Connect with us

Entertainment

Angel Locsin, Muling Pinatunayan Ang Kabutihan Matapos Makiisa Sa Pagbibigay Ng Tulong Sa Mga Naapektuhan Ng Bagyong Odette

Hindi na nga mapipigilan pa ang aktres at tinaguriang “real life Darna” na si Angel Locsin na muling ipamalas ang kabutihan ng kanyang puso sa mga nangangailangan. Sa tuwing may bagyo, sakuna at iba pang pagkakaton na may nangangailangan ay hindi nagpapahuli si Angel sa pagpapaabot ng tulong.

Photo Credits to the Owner

At nitong Biyernes lamang nga, ay muling ipinamalas ni Angel ang kanyang kabutihan matapos niyang makiisa sa pagbibigay ng tulong sa mga bitikma at nasalanta ng bagyong Odette.

Biyernes ng hapon nang magtungo si Angel sa volunteer center para sa kampanya ni Vice President at presidential aspirant na si Leni Robredo kasama ang kanyang running mate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan. Ang center sa may Katipunan sa Quezon City ay ginawang disaster relief hub. At ito ay dahil sa kahilingan ni Vice President Leni Robredo. Ang kanilang layunin ay mabigyan ng tulong ang mga nasalanta ng bagyong Odette sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Photo Credits to the Owner

At naroon nga si Angel para tumulong sa mga nangangailangan. Makikita ang aktres na suot ang pink na jacket, ang color campaign ng Robredo at Pangilinan tandem. Marami namang netizens ang natuwa sa pagtutulungan ng mga politiko, at ng aktres lalo na sa panahon ng sakuna. Mahalagang unahin muna ang makatulong sa kapwa sa mga panahon na maraming nangangailangan ng tulong.

Bilang isang kilalang pilantropo sa buong mundo ay talaga namang hindi nagpapahuli si Angel sa pagtulong. Ilang taon na ring ipinapamalas ni Angel ang kabutihan ng kanyang puso sa pagtulong sa mga taong naaapektuhan ng kalamidad. Matatandaan naman na sa panahon ng pandemya, ay isa si Angel sa mga nanguna sa pag-aabot ng tulong sa mga frontliners at sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng pandemya.

Photo Credits to the Owner

Photo Credits to the Owner

Dahil nga sa ginintuang puso ni Angel sa pagtulong sa mga nangangailangan, ay kinilala siya ng buong mundo bilang isang pilantropo. Sa katunayan nga nito, ay napabilang siya sa Forbes Asia’s “Heroes of Philanthropy” noong 2019. Maliban dito, nitong buwan lamang ng Disyembre ay kinilala naman siya bilang “one of Tatler Asia’s “Most Influential” individuals.

Photo Credits to the Owner

Tunay nga na kahanga-hanga ang isang tulad ni Angel hindi lamang bilang isang artista sa showbiz kundi bilang isang mabuting mamamayan na may malasakit sa kapwa. Pinatunayan nga ni Angel na isa siyang tunay na anghel sa ibabaw ng lupa para mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na suportado ng kanyang asawang si Neil Arce ang kanyang walang sawang pagtulong sa mga nangangailangan.

error: Content is protected !!