Connect with us

Stories

Angel Locsin, Ibinahagi Ang Nakakaantig na Istorya Sa Likod Ng Pagkabulag Ng Kanyang Ama

Published

on

Ang Kapamilya Actress na si Angel Locsin ay isa ring film producer, commercial model at fashion designer. Nakilala at sumikat si Angel matapos siyang gumanap bilang Alwina sa GMA TV series na Mulawin.

At mas lalo pa siyang sumikat nang gumanap siya sa karakter ng tinaguriang Filipino superhero na Darna.

Ngunit matapos ang ilang taong pamamayagpag ng kanyang karera sa GMA Network ay napagpasyahan niyang lumipat sa ABS-CBN upang ipagpatuloy ang karera. Noong 2007 nga, ay naging bahagi na siya ng Kapamilya Network na ABS-CBN hanggang sa kasalukuyan.

Lalo namang nakilala ang aktres at namayagpag ang kanyang karera dahil sa dami ng ginawa niyang proyektong teleserye, kabilang na nga rito ang Imortal”, “Lobo”, “La Luna Sangre” at “The Legal Wife”

Matapos ang 5 taon, muling bumalik si Angel sa telebisyon at naging bahagi siya ng action drama series na “The General’s Daughter“ kung saan nakasama niya ang mga beteranong artista sa industriya ng showbiz kagaya nina Albert Martinez, at Tirso Cruz III, maging si Maricel Soriano ay nakasama rin niya rito.

Kamakailan lang nang bumisita si Angel sa programang “Magandang Buhay” at nakapanayam nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Naging bahagi ng panayam ang tungkol sa beach resort na nabili ng aktres sa Zambales para sa kanyang ama.

Ayon kay Angel, nais umano niyang ibigay sa kanyang pinakamamahal na ama ang lahat ng kanyang makakaya.

“Actually, almost. Meron pa akong isang buwan na hulog. Akala ko kasi hindi ko matatapos. Si daddy kasi may gusto tapos parang pakiramdam ko noon, alanganin.”

Nais umanong ibigay ni Angel ang mga bagay na makakatulong sa kanyang ama upang mapabuti ang kalusugan nito dahil nalalapit na rin itong sumapit sa edad na 93 taong gulang at kailangan nang makalanghap ng sariwang hangin at makapagpahinga.

“Walang kuryente. Kailangan mo magbangka papunta doon. Nature talaga, parang camping. Masarap mag-isip and kung gusto niyo ng bonding.”

Nagbalik-tanaw naman ang aktres sa kanyang pagkabata kung saan ay ibinibigay ng kanyang ama sa simpleng paraan nito ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya upang magkaroon ng perpektong karanasan bilang isang bata. Kaya naman, siya naman ngayon ang magbibigay ng kasiyahan sa kanyang ama.

“Kasi binigay nya sa akin ang lahat, kahit hindi namin kaya noon…tinry (sinubukan) nya yung best nya na gawing happy ang childhood ko in his own way”
“So bilang anak, kung ano and kaya kong ibigay, e-provide, eh di yun”

Ngunit, may matindi palang pinagdaanan si Angel. Ibinunyag ng aktres na nahuli na siya upang tulungang maipagamot ang mata ng kanyang ama, hanggang sa tuluyan na ngang mabulag ang mga mata nito.

“Hindi ko kasi napagamot yung mga mata ni daddy…Yun yung reason ko noon bakit ako nag-stay sa showbiz”

“Na late ako ng ipon hanggang sa hindi ko napagamot si daddy,”

Bagama’t matagumpay sa kanyang karera, may mga bagay parin palang hindi hawak ang aktres. Dumadaan rin pala ang kahanga-hangang aktres sa mga pagsubok. Ngunit, hindi man niya nagawang maipagamot ang mga mata ng kanyang ama, pinatunayan naman ni Angel ang pagiging mapagmahal na anak kung saan ay gagawin ang lahat mapasaya lamang ito.

error: Content is protected !!