Connect with us

Entertainment

 ‘Angel Locsin’ Ginulat ang mga Netizens Sa Angking Galing Sa Pagpipinta

Published

on

Magaling na aktres at matulungin sa mga nangangailangan, Sino ba naman ang hindi mapapatigil sa angking ganda ni Angel Locsin. Mula ng masilayan natin ang bukod tanging “Mulawin” na tunay na nagdugtong ng dalawang mag-kaibang mundo mula sa mga artistang nagsipaganap dito hanggang sa kabilang bahagi ng telebisyon kung saan naroroon ang mga manunuod.



Sa kabilang banda, ang pinapangarap ng lahat na gumanap bilang ‘Darna’ ay may natatangi ding talento pagdating sa pintura, canvass at mga brush na talaga namang nagpahanga mula sa kanyang mga follower mga malalapit na kaibigan at maging sa mga kilalang personalidad sa industriyang kinabibilangan.

Ibinahagi ng Kapamilya Actress sa kanyang Instagram ang larawan ng kanyang nakakamanghang painting na may pinagsamang tema na “love and desires” na nilagyan niya ng ‘caption’ sa Instagram post na “Tried something new”. Ayon pa sa 34 taong gulang na aktres hindi pa siya talaga ganoon kagaling pagdating sa bagong kinahihiligan.



Samantala maraming netizen ang nagpaabot ng papuri sa kakaibang painting ng dating “Pilipinas Got Talent” judge katulad ng “paint by numbers, pero tignan mo.nagawa nya ang galing galing nga nya eh”, “OMG! Ganda!!! Kelan po ang exhibit? Loving you even more! Ano pa po di mo kayang gawin?”.

Ilang mga kasamahan din sa showbiz ang humanga sa taglay na husay ni Angel katulad ni Isabelle Daza na nagsabing “OMG so good”, maging ang ‘Showtime’ hurado na si Iza Calzado ay nabighani din at nagsabi pa na ipagpatuloy pa niya ang paggawa, “Seriously? You are so good! Gel, make more!”.

Samantala maging ang Kapuso Artist na si Sarah Lahbati ay nagsend din ng message na, “Wow, Ganda, Gel!!! Ano bang hindi mo kayang gawin”, gayundin ang Daniella Mondragon ng “Kadenang Ginto” na si Dimples Romana ay sumang-ayon at nagsabing “napakahusay namaaaan”. Isa din sa mga nakaappreciate at nagbigay ng heart emoji ay ang ang proud mommy ni Zia at Ziggy na si Marian Rivera.

Samantala pagkatapos ng kanyang proyekto bilang Kapamilya, nagdesisyon si Angel na magpapahinga muna siya sa mundo ng showbiz at aasikasuhin muna niya ang personal na buhay. Nilinaw din ng aktres na priority muna niya ang kanyang kalusugan ngayon at maging ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng nobyong movie producer na si Neil Arce.

error: Content is protected !!