Angel Locsin at Neil Arce, Pinakilig ang mga Netizens sa Kanilang mga Kuhang Larawan sa Rome

Sa panahon ngayon madalas na tayong makakita ng magkasintahan na mahilig pumunta sa ibat ibang lugar o di kaya sa ibat ibang bansa ng sila lang dalawa o kasama ang mga kaibigan nila. Bukod sa mga netizens, gawain din ng mga artista ang pagpunta kung saan saang lugar lalo na kapag sila ay nagbabakasyon o di kaya ay may tour ang isa sa mga programa na kabilang sila.



Isa na ngang dito si Angel Locsin na kamakailan lang ay pumunta sa Rome para sa “ASAPNatinTO Rome” kasama ang kanyang finacee na si Neil Arce at ilan pang mga artista. Bago pa umalis sa Pilipinas sila Angel Locsin ay sinabi na nito na may plano sila ni Neil na mamasyal at iexplore pa ang Rome kaya naman magtatagal pa ng kunti ang pag-stay nila dito.

Sinulit naman ni Angel at Neil ang nasabing trip nila sa Rome na makikita naman sa mga larawan na kanilang ibinahagi sa kanilang Instagram account na nagdulot ng kilig sa mga netizens na nakakita nito.

Ilan sa mga larawan na kanilang ibinahagi sa kanilang social media account ay ang larawan nila sa Colosseum at Spanish steps. Hindi naman maiwasan nga mga tagahanga ni Angel na kiligin sa kanilang mga larawan, inakala din ng ibang netizens na ito na ang pre-nup photos ng dalawa para sa nalalapit nilang kasal.

Hindi naman mapipigilan ang mga netizens na magisip na baka ito na nga ang pre-nup nila Angel at Neil dahil makikita mo naman sa kanilang larawan kung paano nila titigan ang isat isa at hawakan na nagpapakita kung gaano nila kamahal ang isat-isa.



Sinabi naman ni Neil sa isang larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang IG account na si Angel ang pinakamagandang view na nakita niya sa Rome. May isa pa din itong ibinahag na larawan kung saan nilagyan niya ito ng caption na “Mine” na nagdulot naman ng kilig sa mga netizens lalo na kay MJ Lastimosa na nagcomment dito ng “Oh sya uwi na inangkin na si Darna”.

Hindi naman nagpatalo si Angel Locsin dahil nagbahagi din ito ng mga larawan nila ni Niel Arce sa Spanish Steps sa kanyang Instagram account at nilagyan niya ito ng caption mula sa kanta na “Can’t Help Falling In Love with You” ng “take my hand, take my whole life too”. Sa ibang larawan ni Angel ay sinabi nito na si Neil ang kanyang “sunshine on a rainy day”. Bukod sa mga sweet na caption ni Angel ay naglagay din ito ng humor sa ilan pa niyang caption tulad ng “We always hold hands, if i let go, He shops”.



Sinu bang hindi kikiligin sa mga larawan nila Angel Locsin at Neil Arce? Talagang pinatunayan lang nila na kahit saan man sila magpunta hindi sila nahihiyang ipakita sa buong mundo na mahal na mahal nila ang isat-isa. Congrats Angel at Niel aabangan namin ang inyong kasal