Connect with us

Entertainment

Angel Aquino, Fresh Na Fresh At Napakaganda Parin Sa Kabila Ng Edad Niyang 48

Sa paglipas ng maraming taon ay tila hindi naman nadagdagan ang edad ng aktres na si Angel Aquino. Masisilayan kasi sa mahusay na aktres na sa kabila ng kanyang edad ngayon na 48, ay lutang na lutang parin ang kanyang taglay na kagandahan na talaga namang napaka-fresh ng dating.

Sa kanyang taglay na natural na ganda nga ay hindi maikakaila na kabilang siya sa listahan ng may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Ngunit, ang mas kahanga-hanga dito, ay aakalain na nasa late 20’s lamang ang hitsura ng aktres sa kabila ng kanyang edad.

Si Angel ay maagang nagsimula sa kanyang karera sa showbiz. Siya ay nadiskubre ng direktor na si Jeffrey Jeturian sa isang mall noong 19 taong pa lamang siya. Dahil nga sa kanyang taglay na ganda at tangkad ay inalok muna siyang maging beauty queen. At nang magkaroon nga ng oportunidad na pasukin ang showbiz ay hindi na nga ito pinalampas pa ni Angel.

Dahil sa kanyang taglay na ganda at talento sa pag-arte, ay namayagpag nga ang karera ni Angel. Ngunit, dumating naman sa puntong nabuntis siya ng hindi inaasahan sa edad na 19. Kaya naman, pansamantalang nahinto siya sa pag-aartista. Hindi naman naging hadlang sa kanyang karera ang kanyang pagkakaroon ng anak. Sa kanyang pagbabalik showbiz nga, ay marami siyang ginawang proyekto at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera.

Isa sa mga huling proyekto ni Angel ay ang mapabilang sa long time running show ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano. Pinabilib rin niya ang publiko hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang taglay na ganda at kaseksihan, na talaga namang young looking nang maging leading lady siya ng aktor na si Tony Labrusca sa kanilang 2018 hit movie na Glorious.

Sa nasabing pekilula ay hindi aakalain na nasa 40’s na si Angel dahil kung pagmamasdan nga ay bumagay ang kanyang awra sa mas bata sa kanyang si Tony. Kaya naman, talagang maraming manonood ang humanga at napa-wow lalo na sa mga maiinit nilang eksena.

Samantala, makikita naman na aktibo rin si Angel sa social media. At makikita nga sa kanyang Instagram ang kanyang mga kahanga-hangang larawan kung saan makikita ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Kahit nga 48 taong gulang na ang aktres ay hindi maikakaila ang young looking at fresh na fresh na awra ni Angel sa mga larawan.

May dalawang anak na rin si Angel at pawang mga dalaga na nga ngunit hindi aakalain sa kanyang katawan na may anak na siya dahil napanatili niyang fit at seksi ang kanyang katawan. Dahil nga dito, ay talagang inuulan ng paghanga at papuri ang bawat larawan na kanyang ibinabahagi sa social media.

error: Content is protected !!