Connect with us

Inspiring

Ibinahagi ni ‘The Voice Kid’s Grand Winner Lyca Gairanod’ ang Kanyang Luxury Car na Kanyang Nabili na Mula sa Kanyang Pagsisikap

Sa pagsikat na batang singer na si Lyca Gairanod, kasabay ito ang pagkakaroon ng kanyang pamilya ng maginhawang buhay. Ang kanyang galing sa pagkanta ang naging puhunan niya upang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kaya ngayon kaginhawaan na ang kanilang natatamasa sa buhay malayo na sa kanilang naging buhay noon. Binago na kanyang pagiging grand winner ang kanyang buhay. Hanggang ngayon ang pagkanta pa rin ang kanyang buhay.




Marami ring mga proyekto ang sunod-sunod na natanggap ni Lyca. Makikita na rin ang malaking pagbabago ni Lyca mula sa pagiging isang batang paslit hanggang sa kanyang pagdadalaga. Pinasok na rin niya ang pagiging isang vlogger. Kaya kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang vlog ang kanyang bagong baby.

Photo Credits: Lyca Gairanod | IG

Ang kanyang tinutukoy lang naman dito ay ang bago niyang naipundar na sarili niyang sasakyan. Ang post na ito ay may caption na,

Photo Credits: Youtube.com | Lyca Gairanod 

Photo Credits: Youtube.com | Lyca Gairanod 

“Thank God, I GOT NEW BABY”

Sa edad niyang 16 ay mayroon na siyang sarili niyang sasakyan. Ito ay naging katas ng kanyang pagtatrabaho bilang isang singer at youtube vlogger. Natanggap na rin ni Lyca ang kanyang golden play button dahil sa pagkakaroon niya ng 1 million subcribers sa kanyang youtube channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

Sa mga youtube vlog episodes ni Lyca ay kanyang ibinabahagi ang buhay ng kanyang pamilya pati na rin ang kanilang nagiging pamumuhay ngayon. Sa kanyang naging latest vlog, makikita kung anong mga disenyo ng kotse ang kanyang mga pinagpilian.




Makikita sa kanyang vlog, kung gaano siya nag-eenjoy at nakikipag-kulitan sa pagpili ng kotseng gusto niya. Ibinahagi rin niya rito, kung ano-ano ang kanyang mga naging plano upang makuha ang pinangarap niyang kotse.

Photo Credits: Youtube.com | Lyca Gairanod 

Pagbabahagi ni Lyca na isa ito sa mga bagay na pinangarap niya kaya talagang pinaghirapan niya itong mabili. Sa pagtatapos ng kanyang vlog, inaayos na ang mga papeless ng kanyang bagong kotse bago niya ito makuha.

Ibang iba na nga ang buhay ngayon ng child singer, dahil sa kanyang hindi pagsuko sa kanyang mga pangarap sa buhay ay nagkaroon ng katuparan ang kanyang munting pangarap.

 

error: Content is protected !!