Connect with us

Entertainment

“Ang pera ko ay pera ko! Ang pera niya ay pera niya”: Chito Miranda at Neri Naig, Ibinahagi Kung Paano Sila Humawak ng Pera Bilang Mag-asawa at Ipinaliwanag rin Kung Bakit Magkaiba Sila ng Negosyo

Pagdating sa sipag, tiyaga at diskarte sa pagnenegosyo, ay ang mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda ang isa nga sa hinahangaan ng marami. Ang maybahay ni Chito na si Neri ay talaga namang isang wais na misis na kung saan ay pinatunayan ang husay sa paghawak ng pera sa dami ng kanyang mga negosyo. Habang si Chito naman, maliban sa pagbabanda ay marami ring negosyong pinapatakbo para kumita ng pera.

Nito lamang ika-2 ng Hulyo, ay ibinahagi ni Chito ang isang vlog na puno ng inspirasyon at aral tungkol sa paghawak ng pera at pagnenegosyo na mapapanood sa kanyang Youtube channel. Sa nasabing video ay tinalakay ng mag-asawa kung paano sila humawak ng pera bilang mag-asawa at kung paano ang kanilang diskarte pagdating sa pamamalakad ng kanilang mga negosyo. Sa nasabing video rin ay ipinaliwanag ng mag-asawa kung bakit hindi nila pinapakialaman ng pera ng isa’t isa.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Pagbubunyag nga ni Chito kung bakit magkakaiba ang hinahawakang negosyo nilang may-asawa, ay dahil may sarili umano silang diskarte at istilo sa pagnenegosyo. Binigyang diin nga ni Chito, na ang negosyong hawak ni Neri, ay kay Neri lang. At ang sa kanya, ay siya rin lang ang humahawak. Ngunit, may mga negosyo rin naman na partner sila.

At dahil nga, may sarili silang diskarte sa pagnenegosyo at may kanya-kanya silang negosyo, ay hindi umano sila nag-aaway sa pera o sa negosyo. Magkaiba rin ang istilo ng kanilang pamamalakad sa pagnenegosyo, kung kaya’t hindi nila pinapakialaman ang negosyo ng bawat isa.

“First of all, ang maganda diyan, hindi kami nag-aaway sa businesses or sa pera kasi may kanya-kanya kaming pera. Anyway, when it comes to business, may sariling diskarte and sarili niyang pamamalakad kasi talagang magkaiba kami ng style.”

Isa naman sa magandang dulot ng pagkakaroon nila ng magkahiwalay na negosyo, ay ang pagkakaroon nila ng sariling pera. At tulad nga ni Neri na madiskarte sa pera, ay may kalayaan itong gawin ang anumang nais sa perang pinaghirapan. Kung gusto man ngang isugal ni Neri ang kanyang pera sa negosyo, ay inirerespeto ito ni Chito.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Ayon naman kay Chito, pagdating na sa pagsugal sa business ay mas malakas umano ang loob ni Neri, kumpara sa kanya dahil siya ay konserbatibo sa negosyo.

Sa kabila naman ng pagkakaroon ng sariling pera ni Neri, ay hindi naman nakakalimutan ni Chito ang kanyang tungkulin bilang padre de pamilya, kung kaya’t nagbibigay parin siya ng pera kay Neri para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

„Yung pera mo pwede mong pag-tripan, ako — ‘yung pera namin — I’m still the provider of this family. So, I need to be conservative because I can’t mess up. Meron siyang safety net. If she fails, it’s okay kasi I have enough to sustain and provide for my family. ‘Yun ‘yung advantage of having our own money. Her money is her money, my money is our money. Pero hindi na siya humingi ng pangluho dahil mas marami siyang pera,” saad ni Chito.

Kwento pa ni Chito, ay bilib siya sa pagiging risk taker ng kanyang asawa pagdating sa pagnenegosyo, dahil mas lalo umano itong natutong humawak ng negosyo dahilan nga upang mas dumami pa ang negosyo nito. Proud rin si Chito kay Neri, dahil hindi umano ito humihingi ng pera sa kanya para ibili ng luho.

Photo credits: Chito Miranda | IG

Samantala, ibinahagi naman ni Neri kung paano nagsimula si Chito sa pagnenegosyo na maliban nga sa pagbabanda ay may iba pang pinagkakakitaan. Dagdag pa nga ni Neri, dahil rin sa sipag, tiyaga at diskarte ni Chito ay kaya nitong buhayin ang kanilang pamilya kahit tumigil pa sa pagbabanda.

“What I did when I started earning money, instead of spending it on stuff I don’t need, I spent it on things that would make more money for me,”paliwanag naman ni Chito.

Binigyang diin naman ni Chito sa huli na ang sekreto nilang mag-asawa sa likod ng kanilang tagumpay sa pagnenegosyo ay ang kanilang pagsuporta sa isa’t isa at walang sawang pagtutulungan..

error: Content is protected !!