Connect with us

Entertainment

Ang mga Mamahaling Gamit ng Box Office Queen na si Kathryn Bernardo na Nagkakahalaga ng Limpak limpak na Salapi

Published

on

Madami sa atin ang nakakakilala kay Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas kilala bilang Kathryn Bernardo. Sa edad na 23 ay malayo na ang narating ni Kathryn, sa katunayan nyan ay isa sya sa pinaka in-demand na artista sa kanyang henerasyon. Sunod sunod ang tagumpay ni Kath sa mga ginagawa nyang mga pelikula tulad nalang ng huli nyang dalawang pelikula na The House of Us at Hello Love Goodbye.

Ang nasabing mga pelikula ay parehong naka 800 milyon sa takilya at bukod tanging si Kathryn Bernardo lang ang nakagawa nito sa kasaysayan ng showbiz, kaya naman hindi maipagkakaila na bansagan syang box office queen. Dahil narin sa sunod sunod na tagumpay sa mga proyekto ni Kathryn hindi na dapat tayo mabibigla sa yaman na mayroon sya.



Bukod pa dito, mula noong nagsimula sya bilang artista noong sya at bata pa hanggang ngayon ay hindi na sya nawawalan ng proyekto, maging teleserye man yan o pelikula. Ilang lang sa mga programa ni Kath sa telebisyon ay ang; Mara Clara (2010-2011), Princess and I (2012-2013), Got to Believe (2013-2014), Pangako Sa’Yo (2015-2016) at ang huli ay La Luna Sangre (2017-2018).

Narito naman ang mga pelikula ni Kath na kumita sa takilya, Way Back Home (2011), Must Be Love (2013), She’s Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), Can’t Help Falling In Love (2017), The Hows of Us (2018), Three Words to Forever (2018), at Hello Love Goodbye (2019) at alam natin na madami pang dadating na proyekto para kay kath at hindi pa kasama ang kaliwat kanan nyang mga endorsement diyan.

Kaya naman madali lang para kay Kathryn na makuha nya ang mga bagay na gusto nya kahit gaano pa ito kamahal. Narito ang ilan sa mga mamahaling gamit ni Kathryn at ang nakakalulang presyo ng bawat isa.

SHOES

Mahilig din si Kathryn sa mga mamahaling sapatos katulad ng kanyang ginagamit na Stuart Weitzman na may halagang 29,920 libong piso at Louboutin na may halagang 67,560 libong piso.

PRADA AND LOUIS VUITTON BAGS

Ilan lang sa mga bags na ginagamit ni Kathryn ay ang kanyang puting Prada bag na may halagang 68,341 libong piso at itim na Prada bag na may halagang 154,688 libong piso.



Gumamit din sya ng Louis Vuitton bag collection noong sya ay nagshooting sa pelikulang Hellow Love Goodbye sa Hongkong at ito ay ang Louis Vuitton Backpack na may halagang 128,975 at Louis Vuitton soft luggage na nagkakahalaga ng 159,110 libong piso.

ROLEX WATCH

Isa pa sa napakamahal na gamit ni Kathryn ay ang kanyang Rolex Watch na kung saan ay may halaga itong halos katumbas na ng presyo ng isang bagong sasakyan, ito ay 732,936 libong piso.

SUNGLASSES

Bukod sa mamahaling bag ni Kathryn, mamahalin din ang kanyang ginagamit na sunglasses na Yohji Yamamoto na may halagang 29,700 libong piso, Saint Laurent na nagkakahalaga ng 16,526 libong piso at Oliver Peoples na may halagang 35,745 libong piso.

BRACELET CARTIER

Halos tatlong milyong piso na ang presyo ng gamit ni Kathryn na Cartier Bracelet dahil ito lang naman ay nagkakahalaga ng Php 2,936,668.

SLIPPERS

Ito talaga ang isa sa mga nakakagulat na presyo ng gamit ni Kathryn, ang kanyang tsinelas na Givenchy na may halagang 23,346 libong piso at Gucci na nagkakahalaga ng 27,105 libong piso. Dahil sa halaga ng mga kagamitan ni Kathryn, hindi maiwasan ng ibang netizens ang magkomento, narito at ating basahin ang ilan sa mga ito;



“Deserved din niya yan kasi pinaghiraan niya sa showbiz industry sana share din niya sa mahihirap ang blessings niya para much more blessing is coming in her life. im not totally fan of her but i like all of her movies.” “Mayaman talaga yan c kathryn kase napakabait at magaling talaga yan kaya nga idol ko yan ehh.., luv u kath” “Ur so bless baby kath deserve m yn pinag hirapan mo by da way dami insecure sau nd mga basher e nakipag talakan aq sa isang basher kz ayaw q pinupulaan ka tapoz damay p c morher mo dats wy im so angry god bless you kathiel”.

source: filipinoguideph

error: Content is protected !!