Connect with us

Entertainment

“Ang gamot ng nanay ko ay Deposit”: South Korean Actor na si Ryan Bang, Hindi Nakakalimot sa Pagbibigay ng Cash Allowance sa Kanyang Ina na nasa sa South Korea

Ang South Korean actor na si Ryan Bang ay isa palang mabait at mapagmahal na anak sa kanyang ina na kasalukuyang naninirahan sa South Korea.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang masayahing aktor at komedyanteng si Ryan Bang, ay nababahiran rin pala ng kalungkutan ang kanyang buhay. Si Ryan Bang kasi ay nag-iisang anak ng kanyang inang nasa South Korea, kung saan ay pinalaki at tinaguyod siyang mag-isa. Sa madaling salita nga, ay walang nakagisnang ama si Ryan Bang habang lumalaki.

At kamakailan nga, sa Zoom presscon para sa kanyang bagong pelikula na “Mommy Issues”, kung saan gaganap siyang love interest ng komedyanang si Pokwang, ibinahagi ni Ryan Bang ang ilang bagay patungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na sa kanyang ina na mag-isa na ngayon sa buhay.

Photo credits: Ryan Bang | Instagram

Ayon nga kay Ryan, ay single mom ang kanyang ina at wala siyang amang nakagisnan. Dahil nga dito, kahit na malayo ngayon sa piling ng kanyang ina, ay hindi naman nakakalimot si Ryan na ipakita ang pagmamahal sa ina.

“Yung tunay na mommy ko sa Korea, single din siya, single mom.”

Kwento naman ni Ryan, ay nagkaroon raw ng boyfriend ang kanyang ina, at ang bagay na ito ay hindi niya agad matanggap. Ngunit, nang dumating naman ang puntong tanggap na niya ang boyfriend ng kanyang ina, ay saka naman daw nagkahiwalay ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)

Pag-amin pa ni Ryan, ay naintindihan umano niya ang sitwasyon ng kanyang ina lalo na nga’t mag-isa na lang ito sa buhay kung saan ay nangangailangan ng lambing at pagmamahal.

“Nung meron na siyang boyfriend, nahirapan ako magtanggap. Kasi parang, ‘Mommy, may boyfriend ka na, tapos paano yung daddy?’ Pero at the end of the day, naintindihan ko siya kasi mabait pa rin yung nanay ko. Kailangan pa rin may lambing, hindi lang ng anak, yung lambing ng ano… pag-ibig kasi babae pa rin yung puso niya. So, naiintindihan ko tanggap ko na.”Nung panahon na natanggap ko na yung boyfriend ng nanay ko, naghiwalay sila. Ganoon yung istorya.”

Samantala, nalaman rin sa nasabing panayam sa komedyante na hindi rin ito nakakalimot sa pagbibigay ng cash allowance sa kanyang ina, habang siya’y nasa Pilipinas at ito naman ay nasa South Korea. Ayon sa isang malapit na kaibigan ni Ryan, ay hindi ito nagpapalya sa pagpapadala ng pera sa kanyang ina.

Photo credits: Ryan Bang | youtube

Kwento nga ni Ryan, ay madalas raw tumawag ang kanyang ina sa kanya sa tuwing nade-depress ito. At ang sinasabi nga sa kanya ay nalulungkot daw ito dahil wala ng pang-ulam. Binigyang diin naman ni Ryan, ay hindi ito tumatawag para humingi ng pera kahit kailangan nito ng pera.

“Deposit po… deposit!. Hindi na mahalaga yung amount, alam din naman ng nanay ko sa Korea na siyempre, lahat naman tayo may pinagdadaanan. Kaya yung mommy ko minsan, kung kailangan niya ng pera, hindi naman humihingi sa akin. Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito. Nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam.”

Photo credits: google

Isa lang umano ang paraan ng kanyang ina na bagama’t hindi direkta, ay kailangan umano nito ng gamot, at alam na niya ang nais ng kanyang ina “ang deposit”.

“Ibig sabihin, alam na. Alam na ng anak. Ibig sabihin, kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit.”

error: Content is protected !!