Connect with us

Entertainment

“Ang dami kong iniisip na parang napakaimposible namang mangyari” Celebrity Mom Coleen Garcia, Inamin na Nakaranas ng Postpartum Anxiety Matapos Isilang ang Panganay na si Baby Amari

Hindi nga madali ang maging isang ina, maliban sa responsibilidad na nakaatang sa balikat ng pagiging nanay, ay nakakaranas rin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ang mga ina matapos manganak katulad ng postpartum depression at postpartum anxiety.

At hindi nakaligtas rito ang celebrety mom na si Coleen Garcia, na sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan sa kanyang mga unang buwan bilang isang first time mom. Hindi naging madali ang lahat para kay Coleen. Kung ang ibang nanay, ay nakaranas ng postpartum depression, siya naman ay nakaranas ng postpartum anxiety.

Photo credits: Coleen Garcia | IG

Pag-amin ni Coleen ay nagkaroon siya ng postpartum anxiety matapos isilang ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford na si Baby Amari, na ngayon nga ay 8 buwang gulang na. Ibinahagi naman ni Coleen ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng postpartum axiety sa isang vlog para sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Photo credits: Coleen Garcia | IG

“I wouldn’t say I had postpartum depression. But there is something that nobody ever talked to me about. And I only realized what it was in one of my mom groups when somebody opened up about it. And this was way after I gave birth, and that is postpartum anxiety,” simulang pagbabahagi ng aktres.

Photo credits: Coleen Garcia | IG

Kwento pa ni Coleen, ay nakaranas na siya ng anxiety noong nagbubuntis pa lamang siya kung saan, ay hindi siya gaanong nag-iisip ng mga bagay bagay. Ngunit, malaki ang pagkakaiba nito, kapag nasa harap na ang bagong silang na sanggol, at ang isip umano niya ay napuno ng pag-aalala at pangamba.

Photo credits: Coleen Garcia | IG

“Before I ever gave birth and got pregnant, I already had anxiety. I would say I had a pretty chill pregnancy, so I stopped thinking about things that worried me. But it’s different kapag nandiyan na talaga ‘yung baby and I am a worry wart. So that has been my struggle. My mind takes me to places na hindi na talaga normal, honestly.”

Dagdag pa ni Coleen, ay dumating rin sa kanya ang puntong bigla siyang kinakabahan, nasstress sa mga bagay na hindi naman dapat. Dahil dito, ay napapagod na raw ang kanyang utak sa dami ng iniisip, at maging ang kanyang katawan ay napagod na rin.

“And I would just get so nervous, so stressed, so anxious over nothing, and it would get me so drained, physically drained, because when you’re mentally drained, you become physically drained as well. And I’d be tired almost every day just because my mind was racing. Ang dami kong iniisip na parang napakaimposible namang mangyari.”

Photo credits: Coleen Garcia | IG

Dahil sa nangyari sa kanya, ay napatunayan ni Coleen na totoo pala ang postpartum depression at postpartum anxiety sa mga bagong panganak na ina. Dahil siya mismo ay naprapraning sa mga bagay na napakaimposible namang mangyari, ngunit iniisip niya parin.

“My mind just comes up with different scenarios na sa totoo lang masasabi mong praning na talaga. Pero ‘yun eh. That’s what I was struggling with.”

“It’s so easy for other people to brush it off. One of my elders, sinabi niya na, ‘You know, when I gave birth, hindi pa uso ‘yung postpartum postpartum na ‘yan. I didn’t have postpartum, I didn’t have the time, I didn’t have the energy to go through something like that.’

Photo credits: Coleen Garcia | IG

“And in my mind, I was like, ‘Yeah, I’m pretty sure that it already existed.’ It’s just that nobody really had a name for it at that time,” pahayag ng celebrity mom.

Masaya naman si Coleen na sa paglipas ng panahon, ay pinagtutuunan na ng pansin ang mga nararanasan ng mga bagong panganak na ina na nagkaroon ng postpartum depression at postpartum anxiety. At ang natural na nararanasan na ito ng mga ina, ay huwag dapat balewalain kundi’y dapat pag-usapan at pagtuunan ng pansin.

Photo credits: Coleen Garcia | IG

“And I’m glad that nowadays people acknowledge it, and that people talk about it, and that people don’t judge others who go through it. It’s really so normal and there’s absolutely nothing wrong with you if you’re going through this.”

error: Content is protected !!