Connect with us

Uncategorized

Andrea Del Rosario, Ipinasilip ang Napakagandang Bahay Bakasyunan na may Napakalawak na Farm at Napakagandang View ng Dagat

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon, ay may natatago rin palang talento ang aktres na si Andrea Del Rosario pagdating sa farming.

At sa isang episode ng programang “Sarap Diba? Bahay Edition” noong nakaraang buwan ng Agosto, ay ibinunyag ni Andrea sa kanyang mga tagahanga na naging abala siya sa pagmamay-aring farm ng kanyang boyfriend na si Anthony Garcia, isang propesyunal polo player sa US at sa Pilipinas.

Ipinasyal ni Andrea ang kanyang mga tagahanga sa napakaganda at napakalawak na farm, na ayon naman sa aktres ay nakiki-hacienda siya dahil nag-invest rin siya ng mga alagang hayop sa farm tulad ng baka, kambing at manok.

Sa paglilibot ni Andrea sa farm, ay ibinunyag niyang may napakalawak itong sukat na 6-hectares kasama ang bahay bakasyunan na may 7 bedrooms at may swimming pool pa. Kaya naman, talagang namangha ang mga viewers sa ganda at lawak ng farm na matatagpuan sa Calatagan, Batangas.

Photo credits: GMA Network

Photo credits: GMA Network

Photo credits: GMA Network

Photo credits: GMA Network

Pagbabahagi pa ng aktres, sa lawak ng kanilang farm ay dito nila inaalagaan ang mahigit 300 manok panabong, at Boer goats na mula naman sa United States. Makikita naman kay Andrea habang inililibot ang kanyang mga tagahanga sa kanyang virtual farm tour na talagang sanay na sanay na siya sa farming. Walang halong arte at talagang natural na natural ang kanyang bawat kilos sa mga gawaing farm at habang ipinapaliwag ang mga bagay-bagay patungkol sa farm.

Photo credits: GMA Network

Photo credits: GMA Network

Maliban naman sa mga alagang hayop na matatagpuan sa napakalawak na farm, ay swak na swak rin ang lugar na ito para sa mga nais magrelaks at magpahinga. Bukod kasi sa tahimik ang lugar, at napakapresko rin ng simoy ng hangin na malalanghap dito.

Photo credits: GMA Network

Photo credits: GMA Network

Hindi rin naman maitatanggi na masaya at nag-eenjoy si Andrea sa mga gawaing farm. Na talagang ibinubuhos niya ang kanyang sipag at oras sa pag-aalaga ng mga hayop. Ibinunyag rin ng aktres, na pinaglalaanan rin niya ng pera ang kanilang farm. Sa katunayan nga nito, sa halip na mga mahahaling bagay o luho sa kanyang sarili ang kanyang pag-aksayahan ng salapi, ay mas minabuti ng aktres na ilaan na lamang ito sa pagbili ng mga hayop na maaaring alagaan sa farm.

“Kung iyong ibang artista, bumibili sila ng bag o shoes.. ako po, iyan po ang aking binibili. So everytime na may kinikita po ako, napupunta po sa livestocks o animals,”pahayag ni Andrea.

Sa huling bahagi ng video ay makikita ang ganda at lawak na hatid ng farm. Isa rin sa talagang hahangaan rito ay ang malawak na field kung saan sila naglalaro ng polo na nagsisilbing bonding moments nila ng kanyang boyfriend.

Kahit nga isang kilalang artista sa showbiz si Andrea, ay pinatunayan pa rin niya na hindi lamang pag-arte ang kaya niyang gawin, kundi kaya rin niyang pagandahin at palaguin ang kanilang napakalawak na farm.

error: Content is protected !!