Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes, Nagulat nang Makita ang Sandamakmak na Perang Laman ng Wallet ni Dra. Vicki Belo

Nakakwentuhan ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog, ang isa sa youngest babies ng Belo, na kamakailan lang nang magdiwang ng kanyang 18th birthday, ang batang aktres na si Andrea Brillantes.

Nito lamang ika-6 ng Mayo ng ibahagi ng celebrity doctor ang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Maliban sa kwentuhan ng dalawa para lubusang makilala si Andrea ng mga tagasubaybay ni Dra. Vicki Belo, ay isa ring exciting na bag raid ang bahagi ng vlog.

Photo credits: VickiBelo | Youtube

Makikita na inisa-isang ipinakita ni Andrea ang laman ng bag ni Dra. Vicki Belo, at inihuli ang kulay pulang wallet nito. Nagpaalam muna si Andrea kay Dra. Belo kung pwedeng buksan ang wallet, na pinahintulutan naman nito. Excited na ngang buksan ng batang aktres ang wallet, na ayon kay Dra. Belo, ay wala raw laman. Ngunit, sa pagbukas ni Andrea ng wallet ay labis na nagulat ang aktres sa kanyang nakita.

Photo credits: VickiBelo | Youtube

Hindi nga inaasahan ni Andrea na bubungad sa kanya ang sandamakmak na pera, na tig-iisang libo. At inilarawan pa ni Andrea sa kanyang daliri1 kung gaano kakapal ang perang nasa loob ng wallet ni Dra. Belo.

“Wala daw laman. Ang dami pong laman doktora. Ito po ba ‘yung walang laman para sa inyo?” saad ni Andrea.

Photo credits: VickiBelo | Youtube

Ibinahagi naman ni Andrea na siya noon ay walang wallet dahil walang ilalaman, ngunit ngayong 18 taong gulang na siya ay may wallet na raw siya. Nagawa namang magbiro ni Andrea na ang napakaraming pera sa wallet ni Dra. Belo, ay budget na ng kanyang pamilya sa loob ng isang buwan.

“Ako nga po dati walang wallet kasi walang laman talaga. So ‘di na lang ako nag-wallet, kasi wala naman pera eh. Pero ngayon meron na, 18 na ako.”

“Parang mabubuhay na po kami dito ng isang buwan. Sobra na ‘to sa kuryente namin eh.”

Photo credits: VickiBelo | Youtube

Tinanong naman ni Andrea si Dra. Belo, kung ano ang ginagawa nito sa ganon karaming perang nasa wallet nito. Naging simple naman ang kasagutan ng celebrity doctor kung saan sinabi na naiinsecure umano siya kapag wala siyang pera.

“Wala insecure lang talaga ako ‘pag wala akong pera. Kaya kailangan lagi akong may pera,” sambit ni Dra. Belo.

Samantala, nagkwento naman si Andrea kung ano ang sintomas ng kanyang ina kapag wala silang pera. Saad ni Andrea, ay nagkakasakit raw ang kanyang ina, at kapag may lagnat o sipon ito ay nangangahulugang wala na talagang pera.

“Mama ko naman po, ‘pag wala na kaming pera nagkakasakit. Never nagkakasakit si mama pero pag sinipon ‘yan, nilagnat, ibig sabihin wala na kaming pera,” pagbibiro pa ni Andrea.

Sa dami ng perang makikita sa loob ng wallet ni Dra. Belo, ay patunay lamang nito na talagang napakayaman niya at isa sa tinitingalang personalidad sa showbiz.

Sa huling bahagi ng video ay binigyan ni Dok Belo si Andrea ng tatlong regalo na magmula sa maliit hangang malaki. Talagang nagulat si Andrea sa laman ng pinakamalaking regalo ni Dok Belo.

Photo credits: VickiBelo | Youtube

Photo credits: VickiBelo | Youtube

Isang Camera pala ang laman nito, para daw magamit niya sa kanyang mga vlogs.

error: Content is protected !!