Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes, Ipinag-Shopping ng CEO Ng Brilliant Skin Essentials na si Miss Glenda na Umabot ng Mahigit P360,000 ang Kanilang mga Ipinamili

Si Andrea Brillantes ay isang young actress sa showbiz na patuloy na ipinapamalas ang husay sa larangan ng pag-arte. Isa na rin siyang kilalang vlogger na nagbibigay saya sa kanyang mga manonood. Kabilang rin si Andrea sa grupo na kilala sa tawag na The Gold Squad na kinabibilangan nina Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Silang apat ay nagkasama sa teleserye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto.

Photo credits: Anrea Brillantes | IG

Samantala, maliban sa pagiging mahusay na aktres ay isa ring endorser ng mga kilalang produkto. At isa nga sa produkto na kanyang iniendorso ay ang beauty products na Brilliant Skin Essentials na pagmamay-ari ng batang CEO na si Miss Glenda Victorio.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Hindi maipagkakaila na malapit sa isa’t isa sina Andrea at Miss Glenda. Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-18 taong kaarawan ni Andrea, ay may espesyal na surpresa si Miss Glenda sa young actress.

“Dahil sobrang special ng Baby Girl ko, nai-surprise namin siya!”

“Alam ko medyo late na ang celebration namin, pero sobrang worth it nito dahil napasaya ko ang kauna-unahang face ni Brilliant.”

Noong nakaraan ng Marso 12, 2021 nang ipagdiwang ni Andrea ang kanyang 18th birthday kung saan marami ang nagpaabot ng mensahe ng pagbati at regalo mula sa kanyang mga tagahanga at mga mahal sa buhay para sa kanyang kaarawan.

At hindi nga inaasahan na ang kaibigan niyang si Miss Glenda ay bibigyan siya ng P360,000 bilang regalo para kanyang ipang-shopping. Sa nasabing halaga ay marami ang nabili ni Andrea na talagang mamahalin. Tiniyak naman ni Andrea na mabibili niya ang kanyang mga gustong bagay nang hindi lumalampas sa budget na ibinigay sa kanya ni Miss Glenda.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Isa mga nabili ni Andrea ay Louis Vuitton na hair clip. May binili rin siyang mamahaling bag, belt, sapatos at marami pang iba na mula sa mga kilalang brand na Prada, Gucci, Louis Vuitton, at Balenciaga. Ayon naman kay Andrea, ay matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng perang pang shopping at maglakad na bitbit ang mga pinamiling mga mamahaling gamit. At ito nga ay binigyang katurapan ni Miss Glenda sa 18th birthday ni Andrea.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Dahil nga sa ginawang ito ni Miss Glenda, ay hindi matatawaran ang pasasalamat ni Andrea kay Miss Glenda sa inihanda nitong surpresa para sa kanya.

error: Content is protected !!