Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes at Francine Diaz, Ipinamalas ang Taglay na Kagandahan Bilang Modelo sa Fashion Show para sa Bridal Gown Collection ni Michael Leyva

Hindi maitatanggi na ang kagandahan ng teen stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz ay talagang nangingibabaw sa karamihan. Sa natapos nga nilang teleserye na “Huwag Kang Mangamba” ay nasilayan ng publiko hindi lamang nga ang kanilang husay sa pagganap sa kanilang mga karakter, kundi pati na rin ang kanilang kahanga-hangang kagandahan.

Kaya naman, kabilang sina Andrea at Francine sa mga napiling celebrities sa showbiz bilang modelo sa isang fashion show para sa mga obra ng local fashion designer na si Michael Leyva. Nito lamang ika-13 ng Nobyembre, nang maganap ang new milestone ng dalawang aktres bilang runway model sa bridal gown collection ni Michael.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Ang nasabing fashion show na naganap sa Hilton Manila sa Pasay City, ay bahagi ng Getting Married Bridal Fair kung saan tampok ang mga kahanga-hanga sa gandang custom-made gowns collection ni Michael para sa taong 2022. Hindi naman na lingid sa publiko, na ang mga magagandang aktres na sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Janella Salvador, at Ylona Garcia ay minsan na ring naging modelo ng mga obra ni Michael.

Taong 2019 nang unang makilala ni Andrea si Michael sa Star Magic Ball. Labis naman ang tuwa at talagang proud na proud si Andrea bilang isang bridal gown model na kung saan nga ay talagang pangarap ang makapaglakad sa runway. At gaya ng inaasahan, ay lutang na lutang ang natatanging kagandahan ni Andrea sa kanyang suot na red Filipiniana-inspired gown. Sa kanyang Instagram nga, ay proud niyang ibinahagi ang kanyang napakagandang larawan kalakip ang caption kung saan pinasalamat niya si Michael sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging modelo ng gown nito.

“Last night was truly spectacular. I used to only dream about walking down a runway, but to actually do it while wearing such a beautiful gown was such a humbling moment. Thank you so much michaelleyva_ for having me last night. It was an honor to not only wear this magical piece, but to also close your fashion show. You have made a lot of women’s dreams a reality through your designs.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dookie Ducay (@dookieducay)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dookie Ducay (@dookieducay)

Hindi rin nagpahuli ang aktres na si Francine Diaz na ipamalas ang kanyang natatanging kagandahan suot ang gown na idinisenyo ni Michael. At sa Instagram ng aktres, ay makikitang ibinahagi niya ang kanyang napakaeleganteng tingnan larawan na tila isang prinsesa sa ganda. Nilakipan naman ito ng aktres ng simpleng caption na puno ng pagpapasalamat sa mahusay na fahion designer.

“Felt like a real princess from yesterday’s fashion show. ✨ Thank you kuya Michael for choosing me to be your muse! It’s an honor for me to wear one of your beautiful gowns.”

Makikita rin na rumampa sa nasabing fashion show ang newly crowned Miss Universe Philippines na si Beatrice Gomez kung saan nakasama rin ang ilang beauty queens at kapwa Miss Universe Philippines titlists tulad na lamang nina Maureen Wroblewitz, Victoria Velasquez Vincent, at Steffi Aberasturi.

Samantala, labis naman ang kaligayahan at pasasalamat ni Michael dahil natapos ng maayos at naging matagumpay ang fashion show para sa kanyang bridal gown collection.

“Last night was another milestone for my career. My heart is full with gratitude to be the one to finally put up the very first physical fashion show again after almost 2 years here in Manila. To God be all the Glory.”

error: Content is protected !!