Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes, Aabot sa 1 Milyon ang Halaga ng mga Regalong Kanyang Natanggap Mula sa kanyang 18th Birthday

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza sa totoong buhay at kilala naman ng kanyang mga tagahanga sa pangalang Andrea Brillantes, ay isang mahusay na aktres sa showbiz, napakagandang endorser at isa ring kahanga-hangang recording artist.

Sa kanyang husay sa pag-arte ay marami ang napapabilib ni Andrea. Walang duda kung bakit talagang inabangan ng marami ang teleseryeng Kadenang Ginto kung saan gumanap siya bilang Marga. Hindi na nga maikakaila na napakaraming tao ang nagmamahal at humahanga sa batang aktres.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

At noong nakaraang Marso 12, ay masaya niyang ipinagdiwang ang kanyang 18th birthday na isang espesyal na araw dahil isa na siyang ganap na dalaga. Sa dami nga ng mga taong nagmamahal kay Andrea, ay hindi lamang pagbati ang nag-uumapaw na natanggap ng aktres, kundi nakatanggap rin siya ng napakaraming regalo.

Sa latest vlog ni Andrea na ibinahagi nito lamang ika-5 ng Mayo sa kanyang Youtube channel, ay ipinasilip niya ang unboxing ng mga regalong kanyang natanggap mula sa kanyang 18th birthday. At ang kabuuang halaga ng lahat ng regalo ay aabot sa isang milyong piso ang halaga.

Tila nga naging instant milyonaryo si Andrea sa kanyang mga natanggap na regalo dahil bukod sa pawang mga branded, ay mamahalin rin ang mga ito. Ang mga regalo na natanggap ng aktres ay mula sa kanyang mga kaibigan, pamilya, tagahanga at maging sa kanyang mga endorsement.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Sa unang bahagi ng video, ay agad na pinasalamatan ni Andrea ang mga taong nagpaabot sa kanya ng mga regalo. Pinasalamatan niya si Dr. Vicki Belo para sa natanggap niyang regalo na bagong camera para sa kanyang malinaw na kuha ng video, na magagamit sa kanyang mga vlog.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Ilan pa sa mga natanggap na regalo ni Andrea ay Louis Vuitton hand bag at isang Balenciaga bag. May nagregalo rin sa kanya ng Gucci belt at Louis Vuitton na sapatos na may disensyo ng baraha. Nakatanggap naman siya mula sa kanyang ate ng customized nila ng screen partner na si Seth Fedelin na isang Romeo and Juliet, ito ang kanilang Halloween Costume last year. May natanggap rin siyang BlackPink merch na talagang paboritong Kpop girl group.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Samantala, nakatanggap naman si Andrea ng regalo mula sa napakagandang actress-vlogger na si Ivana Alawi kung saan ay binigyan siya ng Gucci Bag. Labis labis naman ang pasasalamat ni Andrea kay Ivana, dahil ito nga raw ang una niyang natanggap sa kanyang kaarawan.

Nakatanggap rin siya ng naglalakihang box na naglalaman ng cotton candy maker, ice cream maker at stand mixer, pop corn popper, snow cone maker na mula sa Abenson.

Photo credits: Andrea Brillantes | Youtube

Isang pangarap rin ang natupad sa kaarawan ni Andrea, matapos makatanggap ng pinapangarap niyang brand at kulay pulang ref para sa kanyang kwarto na mula naman sa co-star niya sa Kadenang Ginto na si Dimples Romana.

error: Content is protected !!