Connect with us

Entertainment

Andi Manzano, Ipinasilip Ang Masayang Bakasyon Ng Kanyang Pamilya Sa Palawan

Ang radio DJ na si Andi Manzano ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging kung saan nga sa kanyang sariling YouTube channel ay ibinabahagi niya ang masasayang kaganapan sa kanyang buhay. Maliban sa kanyang mga achievements, katulad na lamang nga ng pagbili niya ng bagong sasakyan para sa kanyang magulang, ay madalas ring ibahagi ni Andi sa kanyang vlog ang masasayang adventure ng kanilang pamilya.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Matatandaan na si Andi Manzano na nakilala ng publiko bilang isang radio DJ, ay ikinasal sa kanyang asawang si GP Reyes noong 2013, at biniyayaan ng dalawang anak na babae. Bilang isang pamilya nga ay hindi nawawala ang masasayang adventure na talaga namang makikita kung gaano silang nag-eenjoy.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Kamakailan lamang nga, ay isang masayang adventure ang ipinasilip ni Andi sa kanyang vlog. Makikita nga na lumipad patungong Palawan ang pamilya ni Andi para magkaroon ng isang masayang bakasyon kung saan kasama rin nila ang kanyang mga magulang. At ang kanilang destinasyon nga ay sa Coron, Palawan, kung saan masisilayan ang napakagandang tanawin.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Ipinakita ni Andi ang kanilang paglalakbay patungo sa napakagandang lugar ng palawan, mula sa kanilang pagsakay sa eroplano, hanggang sa ihatid sila sa kanilang villa. Ang pamilya nina Andi ay tumuloy sa isang napakagandang resort na tinawag na Sunlight Ecotourism Island Resort. Ang nasabing resort ay binubuo ng 55 villas na magkakapareho ng disenyo kung saan naman kung pagmamasdan ay tila bahay sa gitna ng karagatan.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Sa pagdating nga ni Andi sa kanilang destinasyon ay agad niyang ipinasilip ang ganda ng lugar. Masisilayan nga ang kahanga-hangang tanawin na maihahalintulad sa isang paraiso. At dahil nga, bihirang pagkakataon lamang kung makapagbakasyon ang kanilang pamilya ay sinulit na nila ang bawat sandaling malibot ang ganda ng lugar.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Ipinasilip rin ni Andi ang iba’t ibang beach activity na pinagkaabalahan ng kanilang pamilya. Maliban sa swimming, snorkeling at kayaking ay marami pa silang ginawang aktibidad na talaga namang naenjoy nila.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Ipinakita rin ni Andi sa kanyang vlog ang pagbisita nila sa pinakamagandang lagoon sa Pilipinas na matatagpuan lamang sa Palawan. Sa gandang taglay nga ng lugar ay talagang napahanga si Andi. At makikita naman na talagang nag-enjoy siya at ang kanilang pamilya sa pagbisita sa nasabing isla na hatid ay malaparaiso sa gandang tanawin.

CREDITS: Andi Manzano| YT

Isa na naman ngang masayang alaala ang nabuo ng pamilya ni Andi sa isla ng Palawan. At hindi naman maitatanggi na ang hinahanap nilang masayang bakasyon kung saan sila makakapagpahinga at mag-eenjoy ay kanilang natagpuan sa Coron.

error: Content is protected !!