Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann Soon to be Mrs. Alipayo na! Engaged na sa Kanyang Long-time Partner na si Philmar Alipayo

Ang masayang pamilya ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann at surfer na si Philmar Alipayo, ay mas lalong magiging masaya sa magandang balitang hatid ng lovely couple. Ito nga ay dahil, inalok na ni Philmar ng kasal si Andi.

Bago nga matapos ang taong 2020, ay isang masayang kaganapan sa buhay ni Andi ang naganap. Sa latest vlog ng kanilang YouTube channel na “Happy Islander”, masayang ibinahagi nina Andi at Philmar ang nakakakilig na tagpo sa naganap nilang engagement.




Nito lamang ika-20 ng Disyembre, araw ng Linggo, ay nagkaroon ng weekend getaway ang kanilang pamilya sa Anilao, Batangas kasama ang kanilang anak na si Baby Lilo at Ellie. At nang matapos nga ang masayang bonding ng pamilya, ay isang masaya at nakangiting Andi naman ang masisilayan dahil hindi inaasahan ng aktres na ang long time partner niyang si Philmar ay magpro-propose sa kanya.

Sa video na ibinahagi sa kanilang Youtube Channel, makikita na nakaupo sa veranda si Philmar na kung saan ay hindi mawari ang nararamdaman at tila kinakabahan. At nang dumating si Andi, at umupo sa tabi ni Philmar, ay nagsimula na nga itong magkwento sa masaya nilang pagsasama.

Tila nga hindi inaasahan ni Andi ang kanilang usapan, lalo na’t hindi naman sila madalas mag-usap ng ganung bagay.

“I’ve been wanting to spend time with you for a while,” saad ni Philmar.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

At nang mapunta na sa seryosong pag-uusap kung saan ipinahayag ni Philmar kung gaano nito kagustong makasama si Andi habang buhay, ay hindi napigilan ni Andi ang mapangiti at mapaluha dahil sa kilig at labis na kaligayahan.

“From my whole heart, I am asking you if you will marry me.”

Nang alokin na nga ni Philmar ng kasal si Andi at ilabas ang singsing, ay tuluyan na ngang napaiyak si Andi na maging si Philmar ay naiyak narin. Hindi nga, halos malaman ni Andi ang gagawin nang makita ang singsing. Dahil nga, unang pagkakataong nangyari sa buhay nila ang ganitong bagay, ay punong-puno ng emosyon at labis ang kaligayahan ng dalawa. At nang isuot ni Philmar ang singsing kay Andi, ay niyakap naman ng aktres ang kanyang nobyo na ngayon ay fiancee na niya.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

Sa isang Instagram post naman kung saan ipinakita ni Andi ang kanyang engagement ring, ay ipinahayag ng aktres kung gaano siya kasaya sa hindi inaasahang proposal. At ang ginawang proposal ni Philmar ay inilarawan niyang “simple and sincere”.




“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been okay regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”

Congratulations Andi and Philmar!

error: Content is protected !!