Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Proud na Ipinakilala sa Publiko ang Kanilang “little island boy” ni Philmar Alipayo na si Baby Koa, Philmar, Bigay-todo sa Paghataw sa Tiktok Para Aliwin ang kanyang Mag-ina

Noong ika-17 ng Enero, araw ng Linggo, ay proud na ipinakita sa publiko ng aktres na si Andi Eigenmann ang bagong silang niyang baby boy na pinangalanang Koa. Si Baby Koa ay pangalawang anak ni Andi sa kanyang soon to be husband na si Philmar Alipayo.




Sa Instagram, ay ibinahagi ni Andi ang larawan ng napakacute na si Baby Koa. Kalakip naman sa caption ng kanyang post, ay detalye at oras ng kanyang pagsilang. Mababakas naman ang labis na kaligayahan ni Andi, dahil naisilang niya ng ligtas ang kanilang “little island boy” na bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“And just like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January, 2021 at 10:09am, we welcomed the newest member of our family Hello world! Meet our little island boy, Koa,” ang caption na inilagay ni Andi sa kanyang post.

Photo credits: Philmar Alipayo | IG

Samantala, hindi rin nagpahuli ang proud daddy na si Philmar na ipahayag ang kanyang nadaramang kaligayahan sa pagdating ng kanilang “little island boy” na si Baby Koa. Sa kanyang post nga, ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang mag-ina, kung saan ay karga ni Andi si Baby Koa. Sa larawan ay makikita namang hinalikan ni Philmar si Andi, habang nagpapa-breast feed kay Baby Koa. Ang napakagandang larawang ito ay nilakipan ni Philmar ng caption na puno ng pasasalamat sa ina ng kanyang baby boy na si Andi.

“Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you, mahal ko. You are the strongest person I know.”

Photo credits: Philmar Alipayo | IG

Bago pa man ang post na ito ni Philmar, ay nauna ng nagpost si Andi ng mensahe para sa kanyang partner na si Philmar kung saan ay pinasalamatan ng aktres ang pagiging isang mabuting partner nito sa kanya. Sa mensahe ni Andi, ay sinabi nito na masayang-masaya siya dahil si Philmar ang kasama niya sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang anak. Saad pa nga nito, ay hindi umaano siya iniiwan at pinapabayaan ni Philmar dahil palagi itong nasa tabi niya.




“We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!”

Photo credits: Philmar Alipayo | IG

Talaga nga namang isang napakabuting partner si Philmar kay Andi, at isa ring mapagmahal na ama sa kanyang mga anak. Sa katunayan nga nito, ay pinasaya ni Philmar ang kanyang mag-ina habang nagpapagaling sa hospital. Bigay todo nga ito sa paghataw sa Tiktok dance challenge, upang aliwin ang kayang mag-ina. Kinagiliwan rin ng mga netizens ang video ni Philmar, na talaga nga namang goodvibes ang dala at napatawa niya ang kapapanganak lang na si Andi.

“Gata keep er ismaylin,” maikling caption naman ni Philmar sa post.

Samantalang sa repost naman ni Andi, ay nilakipan naman niya ito ng caption na:

@chepoxzGood morning 💕♬ the vivi trend – oh

“Papa entertaining us 24/7.”

@chepoxzgata keep er ismaylin 😍 ♥️

♬ the vivi trend – oh

error: Content is protected !!