Connect with us

Showbiz

‘Andi Eigenmann’ Pinabinyagan Na Ang Bunsong Anak Na Si ‘Lilo’ Sa Kasintahang Surfer Na Si Philmar Alipayo Sa Siargao

Published

on

Mula sa mga kilalang pamilya ng artista ang dating Star Magic Artist na si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala natin bilang ‘Andi Eigenmann’. Anak ng beteranong aktor na Mark Gil sa aktres na si Jaclyn Jose. Nagsimula siya sa showbiz noong 2007 nang makasama sa kauna-unahang proyekto sa ABS-CBN Teleserye na ‘Prinsesa ng Banyera’ kung saan nakasama din ang inang si Jaclyn Jose.

Samantala nagkaroon siya ng bigbreak sa career ng bumida sa Kapamilya Pantaseryeng “Agua Bendita” kung saan nakapareha ang gwapong aktor na si Matteo Guidicelli. Bumida na rin si Andi sa ilang pelikula katulad ng Mamarazzi sa ilalim ng Regal Films gayundin sa horror movie na Shake Rattle and Roll 12.



Sa kabilang banda nagkaroon ng kontrobersiya ang buhay pag-ibig ng 29 taong gulang na aktres ng magdalang tao noong 2011 sa kanyang unang anak na si Ellie. Maraming netizen ang nagnais na malaman kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis subalit nanatili lang na tahimik ang aktres maging ang kanyang pamilya.

Sa ngayon naging masaya na ang itinatakbo ng buhay pag-ibig ng magandang aktres kapiling ang partner na ‘Surfer’ na si Philmar Alipayo. Sa kabilang banda pinili ng aktres na manirahan sa Siargao kasama ang pamilya at hindi naman katagalan ay biniyayaan sila ng anak na babae ng kanyang kasintahan.

Nitong nakaraang Oktubre 30 nga lang ay pinabinyagan na nila ang anak na si ‘Lilo’ matapos ang ilang buwan ng ito ay ipanganak ng “Camp Sawi” aktres.

Sa kabilang banda muling nakasama nila Andi at Philmar ang malalapit na kaibigan gayundin ang pamilya sa natatanging okasyon na ginanap sa General Luna Catholic Church. Present din sa nasabing okasyon ang surfer na si Luke Landrigan at Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez.



Sa mga larawang ibinahagi nga ng malalapit na kaibigan na dumalo sa espesyal na okasyon makikita ang kagalakan nila Andi at Philmar habang kasama ang mga anak na sina Ellie at Lilo.

Samantala tuwang tuwang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang larawan ng asawa habang karga karga ang bagong binyag na si Lilo,

“There needn’t a cotton candy sunset for me to appreciate and find this island paradise so beautiful. I don’t know if it’s the beauty in nature that we are surrounded by, or the people and the life that I have here. So much to be thankful for. So much simplicity and joy, that no matter how fickle I know myself to be, I just cant seem to get sick of this. It must be true love” pahayag pa ng aktres.

error: Content is protected !!