Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann Pinabilib ang Publiko Matapos Ipakita Kung Paano ang Pag-Gawa sa Siargao ng Masarap na Buyad o Dried Fish

Magmula ng lisanin ng mahusay na aktres na si Andi Eigenmann ang mundo ng showbiz para mamuhay ng simple sa isla ng Siargao kasama ang kanyang binuong pamilya kasama ang fiancée niyang si Philmar Alipayo, ay tunay na marami ang humanga sa kanya.

Talaga naman kasing hindi biro ang ipinagpalit na karangyaan at kasikatan ni Andi, para sa isnag simpleng buhay niya ngayon sa isla ng Siargao.

Kung marami sa atin ang humanga sa simpleng buhay sa isla na pinili ni Andi, ay tunay na kabibiliban din natin siya sa mga bagay na pinagkakaabalahan niya, katulad na lamang ng pagawa ng dried fish o mas kilala sa Siargao na buyad.

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Sa latest vlog ni Andi kamakailan lamang ay kanyang ibinahagi kung paano siya gumagawa ng isa sa mga paborito niyang pagkain sa isla. Ipinakita ng aktres ang ang pagkakasunod-sunod na proseso ng pagawa ng dried fish o mas kilala sa isla ng Siargao bilang bulad.

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Ayon kay Andi, dahil paminsan-minsan na lamang ngayong buwan ang magkaroon ng sobrang init na panahon sa Siargao, ay sinamantala niya ang pagkakataon na gumawa ng buyad. Dagdag na saad pa niya, ang partner niyang si Philmar ang nagturo sa kanya kung paano gawin ang bulad.

“This is the time on the island na minsan na lang ‘yung sunny weather. Kaya ngayon we want to take advantage [of the sunny weather] and gagawa kami ng buyad. Inexplain lang sa akin ni papa ng konti kung paano ‘to gawin,” aniya.

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Makikita naman sa naturang video na ibinahagi ni Andi sa kanyang YouTube channel na sa pagawa niya ng ng bulad ay gumamit siya ng mga sangkap na, isda, suka, asin, paminta at salt water.

Pagbabahagi ni Andi, isa sa mga rason kung bakit gusto niyang sila mismo ang gumagawa ng dried fish kahit may nabibili naman sa palengke, ay dahil sa mahirap makahanap ng mga dried fish o buyad na hindi gaanong maalat. Dagdag pa niya, mas gusto nila ang timplang saltiness, kaya naman imbis na maraming asin ang ilagay nila sa buyad ay gumagamit sila ng salt water o tubig na mula sa dagat.

“The reason why I like to make home-made buyad is because mahirap makahanap ng hindi gaano ka-alat. Gusto namin kami magtimpla ng saltiness. Instead of using a whole lot of salt, we are using salt water from the ocean,” saad ni Andi.

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Matapos timplahin ni Andi ang kanyang ginawang dried fish, ito ay kanya na ngang ibinilad sa rooftop para doon masikatan ng araw.

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Maliban sa pagawa ng bulad, ay ibinahagi din ni Andi sa kanyang uploaded video sa YouTube ang mga maaring gawin sa bulad, maliban sa pagpiprito nito. Ayon sa aktres, masarap din umanong ihalo ang buyad sa ginataang mga gulay bilang pampalasa.

“Nabanggit ng kids na isa sa magandang gawin sa buyad ay gawin siyang panlasa sa gata so sakto we have leftover gulay and we are going to mix it with the pinaglutuan ng buyad tapos ihalo namin sa gulay. Bumili kami ng gata sa tindahan.”

Photo credits: Happy Islander | Youtube Channel

Mula naman ng ibahagi ni Andi ang vlog niya na ito sa kanyang YouTube channel ay umani na ito ng 980K views, at marahil ngayon ay mas higit pa.

error: Content is protected !!