Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, May Nakakakilig na Mensahe para sa Kanyang Fiancee na si Philmar Alipayo Para sa Pagdiriwang ng Kanilang Anniversary

Tunay nga na natagpuan na ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang hinahanap na kaligayahan sa napakaganda at malaparaisong isla ng Siargao sa piling ng kanyang soon to be husband na si Philmar Alipayo.

Unang nagkakilala sina Andi at Philmar tatlong taon na ang nakakaraan, taong 2018, nang magbakasyon si Andi sa isla ng Siargao. At matapos mabuo ang kanilang matamis na pag-iibigan at maging ganap na magkasintahan, ay agad itong nagbunga ng isang supling. Siya si Baby Lilo na isinilang ni Andi noong July 23, 2019.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Samantala, ang pag-iibigan nga nila Andi at Philmar, ay malapit na ring mauwi sa pag-iisang dibdib. Dahil noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon, ay inalok na nga ng kasal ni Philmar si Andi. At ito nga, ay naganap bago pa man dumating ang kanilang ikalawang anak na si Baby Koa.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Hindi naman talaga matatawaran ang pagmamahal ni Andi sa surfing champion na si Philmar Alipayo. At sa pagdaan nga ng panahon, ay mas lalo pa nilang napatunayan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa at mas lalo ring tumibay ang kanilang pagsasama sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng buhay.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Kaya naman, nito lamang ika-27 ng Hunyo ay isang nakakakilig na mensahe ang ipinaabot ni Andi kay Philmar para sa pagdiriwang ng kanilang anniversary. At dahil nga espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa, ay talaga namang napuno ang mensahe ng tamis ng pagmamahal ni Andi para kay Philmar.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Isang appreciation post ang kanyang inihanda para sa kanyang fiancee. Binigyang diin ni Andi sa kanyang post na ang relasyon na kanyang hindi inaasahan sa piling ni Philmar, ay binuo ng kanilang mga pangarap.

Ayon nga kay Andi, ay magkaibang-magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan ni Philmar, ngunit isang bagay ang talagang pareho sila, ang kanilang mga pangarap. At ngayon nga, ay magkasama na nilang inaabot ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya.

“An appreciation post because it was our anniversary yesterday! A relationship built by dreams! We were from very different worlds, but what we had in common were our dreams. We had a lot of it! And I never thought it was possible but we took the leap anyway, and here we are now!”

Matapos batiin sa kanyang post, ay ibinahagi rin ni Andi kung gaano siyang nagpapasalamat dahil si Philmar ang kasama niya sa buhay ngayon.

“Happy anniversary mahal ko @chepoxz! So so grateful to have you in my life, and for this life we’ve created together. Here’s to many more memories and achieving our dreams one step at a time!”

Samantala, ipinaabot rin ni Philmar ang kanyang pagbati para sa anibersaryo nila ni Andi sa pamamagitan ng simple ngunit sweet na mensahe kung saan ibinahagi niya ang larawan nila ni Andi.

“Happy lablab day sa ato mahal ko,” saad ni Philmar.

error: Content is protected !!