Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Masayang Ipinasilip ang Pagha-harvest ng Kamote at Pangunguha ng Sea Urchins Para sa Kanilang Simpleng Mini Picnic

Sa kabila ng marangyang pamumuhay sa lungsod at matagumpay na karera sa showbiz ng dating aktres na si Andi Eigenmann, ay mas pinili pa rin niyang talikuran ang buhay na meron siya upang mamuhay ng masaya at tahimik sa isla ng Siargao.

Credits: Andi Eigenmann | YT

Walang bahid ng pagsisisi ang dating aktres sa ginawa niyang desisyon. At kitang-kita naman sa buhay niya ngayon na talagang nakamit niya ang hinahanap na katiwasayan at kaligayahan sa piling ng kanyang fiancee na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak. Sa ngayon ay dalawa na ang anak nina Philmar at Andi, ang panganay na si Lilo at kanilang bunso na si Koa. Nasa poder rin ni Andi ang kanyang panganay na anak sa dating karelasyon na si Jake Ejercito na si Ellie.

Credits: Andi Eigenmann | YT

Samantala, napakasimple man ng buhay ni Andi ngayon sa isla ng Siargao, ay makikita sa mga vlog na kanyang ibinabahagi sa kanyang YouTube channel na masaya at enjoy na enjoy siya sa kanilang pamumuhay sa isla. Sa simple at payak na pamumuhay na meron ang kanilang pamilya, ay marami naman siyang natutunan. At ang bawat masayang kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya ay madalas ipasilip ni Andi sa kanilang mga tagahanga sa mga vlog sa kanilang Youtube channel na “Happy Islanders”.

At kamakailan lamang, ay muli na namang hinangaan ng mga netizens ang kasimplehan ni Andi at ng kanyang pamilya, matapos niyang ipasilip ang pagha-harvest ng kamote at pangunguha ng sea urchins para sa kanilang mini picnic.

Makikita sa unang bahagi ng video ang paghaharvest ng kamote sa likod ng kanilang bahay kung saan nga, ay ipinakilala rin ni Andi ang mga boys na abala sa pagbukal ng lupa para makuha ang kamote. Ayon naman kay Andi, ay nais rin niyang magharvest ng kamote ngunit kailangan umano niyang alagaan si Baby Koa.

Credits: Andi Eigenmann | YT

Maliban sa pag-harvest ng kamote, ay ipinasilip rin ni Andi sa nasabing vlog ang pangunguha ng sea urchins. Ang kamote at sea urchins ay kanilang pagsasaluhan para sa kanilang simpleng mini picnic.

Makikita naman na enjoy na enjoy si Baby Lilo sa paliligo sa mababaw na bahagi ng dagat kasama ang kanyang ina. At tila nga sanay na sanay na itong maligo sa dagat kung saan kahit malamig ang tubig ay enjoy na enjoy parin ito.

Credits: Andi Eigenmann | YT

Muli namang umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens ang kasimplehan ni Andi. Narito ang komento ng mga netizens na talagang humanga sa dating aktres.

Credits: Andi Eigenmann | YT

“I admire Andi who is not choosy with who to deal and be friends with, makes her family so secure”

“YouTube vlog na hindi na kelangan ng visual effects. Everything is fresh and beautiful”

“Their way of living is what almost all of us is dreaming of — peace, serenity, healthy and contented”

error: Content is protected !!