Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Magiging Masaya At Kontento Parin Sa Buhay Kahit Tumira Sa Maliit Na Bahay Kubo Basta’t Kasama Si Philmar Alipayo

Tila nga hindi matatawaran ang pagmamahalan ng dating aktres na si Andi Eigenmann at fiancee nitong si Philmar Alipayo. Patunay na lamang nga riyan ang masaya nilang pagsasama na binigyan kulay ng kanilang mga anak.

Sa simula pa lamang ng kanilang pag-iibigan ay pinatunayan na ni Andi ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang partner na si Philmar Alipayo, kung saan nga ay tinalikuran ng dating aktres ang marangyang pamumuhay at matagumpay na karera sa showbiz.

Tila nga kontento at masaya na si Andi sa kanilang simple ngunit masayang pamumuhay ng kanilang pamilya sa isla ng Siargao. At kamakailan lamang nga, sa latest vlog ng “The Happy Islanders”, ay mas lalong hinangaan ang pagmamahal ng dating aktres sa kanyang fiancee. Ito nga ay matapos sabihin ni Andi na kahit tumira pa siya sa isang maliit na bahay kubo ay ayos lang sa kanya basta’t si Philmar ang kanyang kasama.

Sa kanilang latest vlog ay namasyal sila sa isla ng Siargao kung saan ay tumuloy sila sa Pacifico. Sa kanilang paglilibot ay nakakita sila ng isang maliit na bahay kubo dahilan nga para mabanggit ni Andi na kaya niyang manirahan sa bahay kubo kapag si Philmar ang kanyang makakasama habang buhay.

Hindi naman napigilan ni Philmar ang kiligin sa sinabi ni Andi, ngunit isang nakakakilig ring sagot ang sinabi ng surfer sa dating aktres. Ayon ng kay Philmar, ay hindi pwede sa kanila ang maliit na bahay dahil hindi sila kakasya dito, sa dahilang nais pa niyang magkaroon ng tatlo pang anak.

Marami naman sa tagasubaybay ng “The Happy Islanders” ang kinilig kina Andi at Philmar. At ang mga ito nga ay nag-iwan ng komento na puno ng paghanga sa pagmamahal ng mga ito sa isa’t isa. May ilan naman na kinagiliwan ang naging sagot ni Philmar.

Hindi naman talaga maikakaila na sa mahabang panahong paninirahan sa isla ng Siargao ay nakasanayan na ni Andi ang simpleng pamumuhay. Maging ang kanyang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa ay enjoy na enjoy at masaya sa kanilang paninirahan sa isla na bukod sa tahimik ay taglay rin ang mala-paraiso sa gandang tanawin.

“Natawa ko sa tatlo pang anak si philmar hindi na kasya sa kubo na bahay..sweet ni andi ok na sya sa maliit na kubo basta ksama si papa philmar nya”

“Mukhang kinilig si Philmar kaya humihirit pa ng tatlong anak”

“Sobrang simple na lang talaga ni Andi kahit sa maliit na bahay okay na siya”

Sina Andi at Philmar ay na-engaged sa isa’t isa noong Disyembre ng nakaraang taon. Sina Andi at Philmar ay may dalawang anak na ngayon, si Lilo at Koa. Nasa poder naman ni Andi ang kanyang panganay na anak na si Ellie, na anak niya sa kanyang dating karelasyon na si Jake Ejercito.

error: Content is protected !!