Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Ipinasilip Ang Masayang Travel Ng Kanilang Pamilya Papuntang Davao City

Larawan ng isang masayang pamilya ang pamilya ng dating aktres na si Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo. Ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Lilo at Koa na talaga namang naghahatid ng saya sa kanilang pamilya. Kasama rin nila ang anak ni Andi sa aktor na si Jake Ejercito si Ellie.

CREDITS: Andi Eigenmann| IG

Samantala, magmula nang lisanin ni Andi ang mundo ng showbiz ay hindi naman siya nakitaan ng anumang pagsisisi. Makikita nga na masaya si Andi sa buhay niya ngayon ng wala ang ningning ng karera, dahil sa piling nga ng kanyang pamilya, ay natagpuan niya ang tunay na kaligayahan.

CREDITS: Andi Eigenmann| IG

Enjoy na enjoy nga si Andi at ang kanyang pamilya sa simple ngunit masayang buhay sa isla ng Siargao. Kahit naman wala na sa mundo ng showbiz si Andi ay patuloy parin ang kanyang pagbibigay ng updates sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng mga vlogs na mapapanood sa kanilang Youtube channel.

CREDITS: Andi Eigenmann| IG

Nakasubaybay nga ang mga tagahanga ni Andi sa buhay ng kanila g pamilya. At hindi naman maipagkakaila na marami ang humahanga sa kanila na maliban sa pagkakaroon ng simpleng pamumuhay ay kitang-kita rin na puno ito ng pagmamahal.

Hindi naman nagsasawa si Andi na ibahagi sa kanyang mga fans ang mga kaganapan sa kanilang buhay. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ng dating aktres ang naging travel ng kanilang pamilya papuntang Davao City. Sa latest vlog ngang ito ng Happy Islanders, ay idinukyumentaryo ni Andi ang kanilang paglalakbay at masayang pananatili sa Davao City gamit ang bago at napakaganda niyang cellphone mula sa Huawei.

CREDITS: Andi Eigenmann| IG

Makikita sa vlog na mula sa airport hanggang sa pagsakay nila ng eroplano ay ipinakita ni Andi. Maging sa pagdating nila ng tinutuluyang hotel, ay ipinasilip rin niya. Makikita naman kung gaano kasaya ang aktres sa travel nilang ito. Ayon pa nga rito, bago sila tuluyang umuwi ng Siargao ay dumaan muna sila ng Davao City para sa isang masayang bakasyon.

CREDITS: Andi Eigenmann| IG

Sa kanilang pananatili naman sa syudad ng Davao, ay makikita naman na talagang nagkaroon sila ng isang masayang bakasyon kung saan nga ay isang masayang bonding moments ang kanilang pinagsaluhan.

Nakakaaliw namang pagmasdan ang magkapatid na sina Lilo at Koa na talaga namang hilig na ang maglaro habang si Ellie naman, ay dalagang-dalaga na. Pagdating naman sa pag-aalaga at pagbabantay sa kanilang mga anak ay makikita naman na magkatuwang sina Andi at Philmar na talaga namang napakahands on sa kanilang mga anak.

CREDITS: Andi Eigenmann| IG

Tunay nga na ang pamilya nina Andi at Philmar ay puno ng saya at pagmamahalan. Wala man nga ang ningning ng karera, ay isa nang malaking tagumpay para kay Andi ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya.

error: Content is protected !!