Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Ipinasilip ang Eco-friendly at Simpleng Selebrasyon ng 2nd Birthday ng Kanyang Anak na si Baby Lilo

Napakahalaga naman talagang pangalagaan ang kalikasan, dahil dito nakasalalay ang ating future. Kaya naman, pinatunayan ng dating aktres na si Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan sa selebrasyon ng 2nd birthday ng kanilang anak na si Lilo.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

At dahil nga nakatira sa isla ng Siargao ay tiniyak nilang eco-friendly at biodegradable materials ang mga ginamit sa pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Lilo. Ang masayang pagdiriwang ng 2nd birthday ni Baby Lilo ay masayang ipinasilip ni Andi sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel pati na rin sa social media.

Ang eco-friendly at zero waste na masayang pagdiriwang ng 2nd birthday ni Baby Lilo ay naganap sa isla ng Siargao kung saan ay dinaluhan ng ilan sa kanilang malalapit na kaibigan sa isla at mga batang naninirahan sa isla.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Maliban nga sa mga inihandang laro at mga activities ni Andi para sa mga bata, ay talaga namang nakakatuwa na walang masyadong basurang makikita sa lugar kung saan nila ginanap ang birthday ni Lilo matapos ang selebrasyon dahil purong eco-friendly at biodegrable materials ang kanilang ginamit. Maging pang mga ginamit rin bilang pambalot sa regalong natanggap ni Lilo ay biodegrable materials tulad ng dahon ng saging.

“I’m so happy our guests are so creative because the packaging of most of the presents are zero waste,” pahayag ni Andi sa kanyang YouTube vlog.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Samantala, tulad ng maraming children party ay makikitang enjoy na enjoy ang mga batang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Lilo. Si Andi rin mismo ang naghanda ng ilan sa art activities sa party tulad ng finger painting at tie-dyeing para sa mga nakisaya sa birthday ni Baby Lilo.

Pinasalamatan naman ni Andi ang mga taong nagpaabot ng kanilang pagbati para iparamdam ang pagmamahal kay Baby Lilo sa kaarawan nito. Malaki rin ang pasasalamat ni Andi sa mga dumalo sa simpleng selebrasyon ng kanyang anak para maging masaya at makulay ito.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Sa isang bahagi ng vlog ni Andi ay makikitang madilim na ang paligid. At ayon kay Andi ay inabot na sila ng gabi, at nagkaroon pa ng brownout kaya tatapusin na nila ang masayang selebrasyon. Ngunit, tila nga sana panig ni Andi ang swerte dahil habang nagsasalita siya ay bigla na lang lumiwanag ang paligid at nabuhay ang ilaw dahilan nga para ituloy ang kanilang kasiyahan.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

“Madilim na. Wala nang music. Nag-brown out. Island livin’. Nag-brownout po sa amin. But I guess dito na din magtatapos ang party ni Lilo since it’s already nighttime. The sun just set.”

“Super happy with everyone that came to our party. All of our loved ones, our friends, and family, and all of the kids I hope they had a fun time.”

Hindi naman nakaligtas sa atensyon ng mga netizens ang ipinakitang kasweetan ni Ellie sa kanyang kapatid na si Lilo kung saan nga ay isa itong responsableng ate sa kanyang kapatid. Bumuhos ang komento ng papuri kay Ellie sa ipinakita nitong pagiging responsable na siyang nakita sa vlog ni Andi.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

“God bless you Ellie, such a sweet ate. Never teases and makes her siblings cry (unlike other ates out there to their younger siblings) but instead helps in taking care and looking after them. She is so lucky to have experienced to be a unica hija on Jake’s side, and a responsible ate on the other side.”

error: Content is protected !!