Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Ibinahagi ang Bagong Hobby ng Kanyang Partner na si Philmar Alipayo, Ipinakita rin ang kanilang Self-Care Activities at nag Bigay Update Sakanilang Ipinapagawang Kusina

Sa latest vlog ng dating aktres at vlogger na si Andi Eigenmann, ay masaya niyang ibinahagi ang isa na namang nakakaaliw na video ng kanilang pamilya sa isla ng Siargao. Sa nasabing vlog nga ay ibinahagi ni Andi ang new hobby ng kanyang partner na si Philmar Alipayo ngayong summer at maging ang kanilang self-care activities.

Kilala na si Philmar ng publiko bilang isang mahusay na surfer na ipinagmamalaki ng ating bansa bilang surfing champion. Ngunit, maliban sa pagkahilig sa surfing, ay may bagong pinagkakaabalahan si Philmar na nagsisilbi niyang libangan ngayong summer kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ngayon nga, ay abala si Philmar sa kanyang exciting Motocross adventure kasama ang kanyang mga kaibigan. At sa tulong ng mahusay na Motocross rider at tinaguriang “King of Philippine Motocross” na si Bornok Mangosong, ay nakahanap si Philmar ng maayos na motor na kanyang gagamitin para sa kanyang new hobby.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Makikita nga sa video, ang masaya at enjoy na adventure ni Philmar kasama ang mga kaibigan sakay ng kanilang mga motor. Makikita naman na napakasupportive ni Andi sa new hobby ng kanyang partner. Masaya rin si Andi dahil nakakita ng bagong mapaglilibangan ang kanyang partner ngayong summer kasama ang mga kaibigan.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Samantala, ibinahagi rin ni Andi ang kanilang self care activities. Ito nga ang paraan nila upang mapanatiling malusog at malakas ang kanilang katawan. Kung si Philmar nga ay abala sa kanyang Motocross adventure, si Andi naman ay abala ngayon sa boxing. Napakalaking tulong naman talaga ito sa kanilang kalusugan bilang ehersisyo.

Photo credits: Happy Islanders | Youtube

Sa nasabing vlog rin ay nabanggit ni Andi, na hindi pag-aartista ang pakay ni Philmar sa pagpirma ng kontrata sa isang talent agency, kundi may kinalaman rin ito sa social media.

Masaya ring ibinalita ni Andi ang bagong milestone ni Baby Koa, na diretso nang nakadapa habang nagvvlog siya. Sa nasabing vlog rin ay ibinahagi ni Andi na nakabalik na sa isla ng Siargao ang anak niya kay Jake Ejercito na si Ellie. At ngayon nga, ay kasama na nila sa kanilang bahay sa Siargao. Makikita nga sa huling bahagi ng video na kasama ni Andi si Ellie sa pag-yoyoga.

Nagbigay rin si Andi ng update sa construction ng kanilang bahay, kung saan ay ipinapagawa na ang kanilang kitchen.

error: Content is protected !!