Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann, Hinangaan Ng Publiko Matapos Ilaan Ang Kita Ng Kanilang YouTube Channel Sa Mga Biktima Ng Bagyong Odette At Para Sa Muling Pagbangon Ang Siargao

Ang dating aktres na si Andi Eigenmann ay nagpasyang lisanin ang showbiz upang masayang manirahan sa napakaganda at tila isang paraiso sa gandang isla ng Siargao kasama ang kanyang pamilya.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Si Andi ay masaya at tahimik na namumuhay sa isla ng Siargao kapiling ang kanyang fiancee na si Philmar Alipayo at dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa. Nasa poder rin ni Andi ang kanyang panganay na anak na si Ellie, na anak naman niya sa kanyang dating karelasyon na si Jake Ejercito.

Hindi naman maitatanggi na naeenjoy ni Andi at ng kanyang pamilya ang simple ngunit masayang pamumuhay sa Siargao. Bukod kasi sa gandang taglay ng lugar, at masaya rin ang pamumuhay ng mga tagaroon.

Ngunit, isang hindi makakalimutang karanasan ang naranasan ng mga taga-Siargao sa paghagupit ng bagyong Odette kamakailan, kung saan nga ay nag-iwan ng matinding pinsala. Kaya naman, para makatulong si Andi sa Siargao ay nangako ang dating aktres na ilalaan niya sa pagtulong ang kita ng ilang videos na mapapanood sa Youtube channel ng kanilang pamilya na “Happy Islanders”.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Sa isang Instagram post, ay inanunsiyo ni Andi ang kanyang mabuting layunin para makatulong sa muling pagbangon ng Siargao matapos mapinsala ng bagyong Odette. Mapapanood pa ang huling vlog nina Andi sa na kuha sa isla bago tuluyang tumama ang bagyong Odette.

“Our multiple vlog uploads for Christmas begins here, as we have promised. The following vlogs are of our last videos taken on the island up to the time we arrived in Manila.”

Bagama’t nasa maayos na kalagayan ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa isla, ay marami naman ang naapektuhan kung saan nga ay nasira ang mga ari-arian at nawalan rin ng hanap buhay. Isang tahanan na nga ang turing ni Andi sa isla ng Siargao, kaya naman labis siyang nalungkot sa sinapit nito.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Marami ang nangangailangan ng pagkain at tubig na maiinom dahil na rin sa hirap na makarating ang donasyon sa isla. At nakaisip nga si Andi ng paraan para makatulong sa mga residente ng Siargao. Nangako nga si Andi na ilalaan niya ang kita ng kanilang Youtube channel sa mga naapektuhan ng bagyong Odette at para na rin sa mulibg pagbangon ng Siargao.

“With this, we will be using our earnings from our coming videos to help slowly rebuild our island and home again,” aniya.

“Siargao has brought so much magic into my life and this will be our way of giving back to our community. To our home,”dagdag pa ni Andi.

Sa panahon nga ng sakuna ay hindi mawawala ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino. Anumang pagsubok na dumaan ay tiyak na mapagtatagumpayan kung sama-sama at nagtutulungan.

error: Content is protected !!