Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Masayang Ibinahagi ang Kanilang Paghahanda sa Pagbubukas ng Kanilang Negosyo sa Siargao

Matapos nga ang mahigit dalawang taong pagkalugmok ng marami dahil sa pandemya, ay unti-unti na rin tayong nakakabangon at nagsisimula sa negosyo. At kabilang nga riyan ang sweet couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ni Andi at Philmar sa publiko ang kanilang paghahanda sa pagbubukas ng kanilang negosyo sa Siargao.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Si Andi Eigenmann 31 taong gulang ay dating aktres, modelo ngunit dahil sa ngalan ng pag-ibig, ay iniwan ang marangyang buhay upang manirahan nang simple sa Siargao kasama ang kanyang nobyong si Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Isa sa pinagkakaabalahan ng couple ay ang pagba-vlog ng kanilang simple at masayang pamumuhay sa Siargao at kalaunan ay kanila naring napagkakakitaan. Sa bawat vlog ng kanilang pamilya makikita ang kagalakan mula sa karanasang buhay pronbinsya, dagat at surfing. Nakakaaliw at nakakarelate ang kanilang mga vlog contents kaya’t marami ang sumusubaybay sa kanila.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Kasabay nang paglaki ng kanilang pamilya ay responsibilidad na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak at siguraduhin ang mga kinabukasan nito.

Kaya naman, sa pinakabagong vlog ng couple na mapapanood sa kanilang Youtube channel na Happy Islanders, ay masaya nilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga ang kanilang paghahanda sa pagbubukas ng kanilang negosyo sa Siargao. At ito ay isang surfing school at snack bar sa Siargao.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Ayon kay Andi,“We are spending the morning here while waiting for Papa who’s busy there working because he’s been dreaming putting up for a surf school and a surf shop and ngayon, nagpartner up na siya with Mang Carding Kanaway Surf School so they are to reopen Kanaway together this time, and preparing the shop in time for you, guys! This summer!”

Sa nakaraang dalawang linggo ay sinabi ni Andi sa vlog na ang paghahanda sa pagbubukas ng kanilang negosyo ang kanilang pinagkakaabalahan habang nag-eenjoy sa dagat kasama ang kanilang mga anak. Swak na swak ang pagbubukas nila ng surfing school at shop sa panahon ng tag-init. Isa pa ay may sapat na kaalaman na si Philmar sa pagsusurfing na kayang-kaya niyang ibahagi sa iba.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Napakaganda rin ng lugar para sa kanilang negosyo at dahil hindi na gaanong strikto ang mga patakaran sa pagpapatupad ng mga protocols kaya naman inaasahan na dadagsa ang mga turista sa kanilang lugar.

Kaya’t napakalaking opurtunidad ito para sa pamilya ni Andi pati na rin sa mga tagarito Sapagkat ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga Siargao ay ang turismo. Makakatulong rin ang naisipang negosyo nila Andi at Philmar upang mas lalong makilala at kumita ang turismo ng lugar, upang makaahong muli mula sa pagkalugmok.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Maliban sa surfing school at shop, magbubukas rin sila ng snack bar upang siguraduhing hindi lang sa dagat at surfing mag-eenjoy ang kanilang bisita kundi mag-eenjoy rin sila sa mga pagkain at uuwing masaya na may kanaranasang hindi makakalimutan.

Photo credits: Andi Eigenmann | YT

Bagama’t marami ang hindi sumang-ayon sa pagmamahalan nila Andi at Philmar noon sa kadahilanang malayo ang agwat ng antas kanilang buhay, ay ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-iibigan at nagbunga ito ng mga cute na supling.

Si Andi at Philmar ang patunay na ang tunay pagmamahalan ay wala sa estado ng buhay sapagkat maaaring maging masaya sa simple at kuntentong buhay kasama ang pamilya. At kung susuportahan lamang ang bawat isa ay paniguradong maabot ang mga pangarap nang magkasama.

error: Content is protected !!