Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Ibinahagi ang Kanilang Masayang Paglalakbay Pabalik sa Isla Siargao Kasama sina Ellie, Lilo at Bagong Silang na si Baby Koa

Matapos nga isilang ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang ikatlong anak noong Enero sa Maynila, ngayon nga ay nakabalik na ang kanilang pamilya sa isla ng Siargao kasama ang partner niyang si Philmar Alipayo, at mga anak na sina Ellie, Lilo at isang buwang gulang na si Baby Koa.




Photo Credits: Andi Eigenmann | IG

Matatandaan na, nang lumuwag ang quarantine ay lumipad patungong Maynila ang mag-iinang Andi, Ellie at Baby Lilo at ang soon to be husband ni Andi na si Philmar ay naiwan sa isla ng Siargao. Matapos naman ang ilang buwan, ay sumunod na rin si Philmar upang muling makasama ang kanyang pamilya.

Photo Credits: Andi Eigenmann | IG

Inabot nga ng halos walong buwang nanatili sa Maynila sina Andi, Ellie at Baby Lilo, samantalang si Philmar naman ay apat na buwan. At matapos nga nito, nito lamang ika-2 ng Marso, ay lumipad na patungo sa isla ng Siargao ang kanilang pamilya.

Sa Instagram, ay ipinasilip ni Andi ang masaya nilang paglalakbay pabalik sa napakagandang isla ng Siargao. At ngayon nga, ay mas lalong magiging masaya at makulay ang kanilang pamumuhay sa isla dahil sa bagong silang na sanggol na si Baby Koa, na ngayon ay isang buwang gulang na.

Hindi naman maitago ang saya ni Andi, sa kanilang pagbabalik sa isla. Pahayag nga nito, ang happy island family ay nakabalik na sa Siargao.

“Went on our most meaningful adventure yet. “The happy island fam has finally made their way back to Siargao!”

Samantala, tiyak na mapapanood na ng kanilang mga tagahanga ang masayang adventure ng kanilang pamilya sa isla sa kanilang vlog. Tiyak na marami na ang excited na muling makita ang kanilang pamilya sa bago nilang vlog.

Photo Credits: YouTube.com | Andi Eigenmann

Pagbabahagi naman ni Andi, maliban sa masayang family bonding at adventure ng kanilang pamilya sa isla, magiging abala rin sila sa kanilang paglipat sa bago nilang tahanan.




Photo Credits: YouTube.com | Andi Eigenmann

“Been back and busy enjoying fam time and settling into our new home. This explains our being MIA on social media,”

Si Baby Koa na pangatlong anak ni Andi, ay pangalawa nilang anak ng kanyang fiancee na si Philmar, na sumunod kay Baby Lilo. Si Ellie naman ang panganay na anak ni Andi sa dating nobyo na si Jake Ejercito. Bagama’t hiwalay na, ay maayos naman ang relasyon nina Andi at Jake para sa co-parenting sa kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Katunayan nga nito, habang nasa Maynila ay madalas makasama ni Ellie ang kanyang ama.

error: Content is protected !!