Connect with us

Inspiring

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Binuksan na sa Publiko ang Kanilang Pinakabagong Surf School at Snack Bar

Talagang niyayakap na ni Andi Eigenmann ang kaniyang tahimik na buhay sa probinsya. Noong nagdaang mga taon ay dito na nga binuo ni Andi ang kaniyang pamilya kasama ang fiancé nitong si Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Marami na rin silang napagdaanan na pagsubok sa Siargao gaya na lamang ng nagdaang bagyo, Disyembre noong nakaraang taon. Ngunit matapos naman nito ay agad na nakabangon ang kanilang pamilya at ngayon ay nakapagpatayo na sila ng kanilang negosyo rito.

Ito na nga ang pinakabagong surf school at snack bar sa Siargao na Kanaway Surf School.

Matatandaang isa sa kinahihiligang gawin ni Andi at maging ng ilang turista at sikat na personalidad sa Siargao ay ang surfing kaya naman hindi na nakapagtataka nang magbukas sila ng eskwelahan para sa mga nais matuto nito. Sa opisyal na Instagram account ng surf school, ibinahagi ang naging opening at blessing nito.

Mababasa sa caption ng nasabing larawan,

“From yesterday’s blessing! The Surf Shop and @kanaway.snackbar are both now officially open! Happy to take you all on your surf adventures when you visit Siargao!”

Sa isang Instagram post, ibinahagi naman ni Andi ang isang litrato ng kaniyang fiancé at ang isang napaka-sweet na mensahe para dito at para na rin sa kanilang bagong tagumpay. Ayon kay Andi, labis ang kaniyang pasasalamat ngayon lalo na sa kanilang pagtutulungan,

“My mahal enjoying an iced mocha from @kanaway.snackbar. He took a shift at the @kanaway.surfschool Surf Shop this morning, while the kids were asleep, and I went to go for a surf! Grateful for all. The ups and even the downs. In bliss to be at this point where we are beginning to live our dream and more. By keeping our focus on the goal, while we enjoy the journey, timing of course, and each other. Wouldn’t be here without you mahal, @chepoxz!”

Binati naman si Andi ng kaniyang mga followers sa social media at maging ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz para sa bagong tagumpay na ito. Na-enganyo naman ang iba na bumisita sa napakagandang isla na ito habang ang iba naman ay nagkaroon ng inspirasyon mula sa pagsisikap ni Andi at Philmar.

error: Content is protected !!