Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann at Kanyang Happy Island Family Nagtungo sa Bansang France Para sa Isang Masayang Bakasyon

Mahalaga para sa isang pamilya ang magkaroon ng quality time, o ‘yung paminsan-minsan ay magbakasyon sa ibang mga lugar o bansa para doon ay masulit ang masayang bakasyon. Katulad na lamang ng Happy Island Family nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na kamakailan lamang ay lumipad patungo sa bansang France para sa isang masayang family vacation.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

Nito lamang nakaraan ay nagtungo sa Hendaye, France si Andi Eigenmann at kanyang Happy Island family. Ang naturang lugar kung saan nagbakasyon ang pamilya ay matatagpuan sa silangang bahagi ng nasabing bansa.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

Hindi naman nawala sa masayang bakasyon na ito ng pamilya ang pagkakaroon nila ng mga nakakaaliw na larawan. Sa Instagram account ni Andi na @andieigengirl ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ng kanyang pamilya na kuha sa naging masayang bakasyon nila sa France.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

Makikita sa IG post ni Andi ang masayang larawan nilang pamilya, at sa caption nito ay inilahad ng dating aktres na ang unang bagay na ginawa nila sa lugar ay ang maglakad-lakad sa Hendaye pagsapit ng umaga, at doon ay mas lalo nilang nasilayan ang napakagandang kapaligiran.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

“Walking around on our first morning in Hendaye. This Basque town is the first place on our travel bucket list”, saad ni Andi sa kanyang IG post.

Dagdag na saad pa niya, matapos ang higit apat na taon at ngayon na mayroon na silang dalawang anak ni Philmar, sa wakas ay natupad na nila ang pangarap nilang ito na magkasamang magtungo at magbakasyon sa nasabing lugar.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

“After four years and +2 kids, we finally made it! Making the feeling even much sweeter”, saad pa ni Andi.

Sa ilang mga larawan pa na ibinahagi ni Andi ay masisilayan kung paano at gaano sila nag-enjoy ng kanyang pamilya sa naturang lugar. Ilan sa mga ibinahagi niya ay ang pagkain nila ng mga croissant at ang pag-enjoy nila ng masarap na kape.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

Makikita rin ang bonding ng kanyang mag-ama, kung saan si Philmar ay pasan ang anak nilang si Baby Koa habang masayang naglalakad. Ang anak naman nilang si Lilo, ay makikita sa isang larawan na ine-enjoy ang isang tila fruit shake juice.
Talaga namang makikita sa mga larawan ni Andi at kanyang pamilya kung paano nila sinulit at in-enjoy ang bakasyon nilang ito sa Hendaye, France.

Photo credits: Andi Eigenmann| IG

Photo credits: Andi Eigenmann| IG
Kilala ng publiko bilang isang Filipina actress at model si Andi Eigenmann. Ang kanyang mga magulang ay kilala din sa industriya ng showbusiness bilang mga batikang aktor at aktres, at ito ay sina Mark Gil at Jaclyn Jose. Marami ang bumilib at mas humanga kay Andi, matapos niyang talikuran ang kasikatan at karangyaan ng buhay, ng piliin niyang manirahan sa isla ng Siargao, at doon ay mamuhay ng simple at tahimik kasama ang partner niyang si Philmar at kanilang mga anak.

error: Content is protected !!