Connect with us

Entertainment

Andi Eigenmann at Jake Ejercito, Pinakita Kaarawan ng Anak Nilang si Ellie ang Maayos na Co-Parenting Set-up nila

Sa mga magulang na ngayon ay hindi na magkasama sa buhay o ‘yung nagkahiwalay na at mayroon na kanya-kanyang buhay, ay hindi naman talaga madali ang co-parenting setup sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Batid natin na sa co-parenting setup ng mga magulang ay marami ang dapat isa-alang alang katulad na lamang ng mahabang pasensya, negosasyon at komunikasyon both side ng ina at ama.

Ang dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ay isa lamang sa mga magulang na ngayon ay nagko-co-parenting sa anak nilang si Ellie.

Photo credits: Jake Ejercito | IG

Kahit na hindi naging maayos ang naging paghihiwalay nila noon, makikita naman sa kanila ngayon ang magandang pagko-co-parenting nila kay Ellie, at ito ay dahil sa labis nilang pagmamahal sa kanilang anak.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Last year ng ipagdiwang ng anak nina Andi at Jake na si Ellie ang ika-10 taong gulang na kaarawan nito, at dito ay muling pinatunayan ng dalawa ang pagkakaisa nila bilang mga magulang para sa ikaliligaya ng kanilang anak. Kamangha-manghang plinano at nagawa nina Andi at Jake na sa kaarawan ng kanilang anak ay magkasama-sama ang pamilya Ejercito at Eigenman na labis na nagbigay kasiyahan sa kanilang OG princess.

Photo credits: Jake Ejercito | IG

Ipinagdiwang ni Ellie ang kanyang ika-10th birthday sa isla ng Siargao na mayroong temang island-theme birthday.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Matagumpay ngang naisama ng ama niyang si Jake sa naturang isla ang kapatid niyang si Jacob at Jerica na kasama din ang pamilya nito, samantala si Andi naman ay gumawa din ng paraan para makasama ni Ellie ang ibang miyembro ng pamilya Eigenmann sa pamamagitan ng Zoom.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Kitang-kita naman sa mga ibinahaging larawan ni Andi kung gaano na-enjoy at nasiyahan ang anak niyang si Ellie sa ika-10 th birthday nito, lalo na’t nakalaro nito ang mga pinsann sa side ng Ejercito at ipinakilala pa nga niya sa mga ito ang kanyang mga kapatid na sina Lilo at Koa.

Makikita din kung paano inasikaso ni Ellie ang lahat ng mga bisita niya sa kanyang kaarawan, kung saan nag-enjoy sila sa pag-swimming ganun din sa mga hand ana masasarap na pagkain.

 

Photo credits: Jake Ejercito | IG

Photo credits: Jake Ejercito | IG

Patunay naman ang mga larawan na talagang sinigurado nina Andi at Jake na kahit ano man ang mangyari ay maipaparamdam nila sa anak nilang si Ellie na marami ang nagmamahal dito at bilang mga magulang ay handa nilang gawin lahat ng bagay para sa ikaliligaya ng kanilang anak.

error: Content is protected !!