Connect with us

Stories

“Anak, patawad di na kita nakita”: Ama ng Yumaong Sikat na Vlogger na si Lloyd Cadena, Naging Emosyunal sa Sinapit ng Anak

Marami nga ang nagulat at hindi halos makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng sikat na vlogger na si Lloyd Cadena noong araw ng Biyernes, ika-4 ng Setyembre. Marami ang nalungkot sa sinapit ng 26 taong gulang na vlogger, kabilang na nga rito ang kanyang mga tagahanga at mga kapwa vlogger na nagpost sa kanilang mga social media accounts ng kanilang mga nararamdaman at pighati sa biglaan nitong pagkawala. Ngunit, ang pamilya ni Lloyd ay nananatiling tahimik at wala pang pahayag, ito nga upang magkaroon sila ng privacy at bigyang respeto ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Photo credits: Lloyd Cafe Cadena | Instagram




Ngunit, kahapon lamang araw ng Sabado, September 5, ay hindi na nakatiis ang ama ni Lloyd na magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng isang video. Ang ama ni Lloyd ay isang OFW sa ibang bansa, kung kaya’t wala ito sa tabi ng vlogger nang mga oras na nawala ito.

Sa mga pahayag nga ng ama ni Lloyd, mababakas ang labis na kalungkutan at pangungulila sa sinapit ng kanyang anak. Ayon nga rito, ay kasalukuyan siyang nasa duty nang matanggap ang nakakalungkot na balita sa pamamagitan ng tawag ng isa pa niyang anak.

Photo credits: Lloyd Cafe Cadena | Instagram

At matapos ngang marinig ang mga salitang “Papa, wala na si Lloyd”, ay hindi na nito napigilang maging emosyunal at tuluyang maiyak sa nakakabiglang balita. Dahil nga, sobrang lambing at napakabait na anak ni Lloyd, ay halos hindi siya makapaniwala at hindi matanggap ang sinapit ng anak.

“Anak, patawad di na kita nakita,”

Photo credits: Biakid360 | Youtube Channel 

mga katagang nasambit na lamang ng ama ng vlogger, dahil nga nasa malayo ay hindi man lang niya nakita sa huling pagkakataon ang anak. Gustuhin man niyang umuwi, upang masilayan ang anak ay hindi na maaari sapagkat on process ang kanyang passport.




Dahil nga, sa nararamdamang matinding emosyon na dulot ng kalungkutan sa pagkawala ni Lloyd, ay hindi inaasahang mahilo ito bigla habang naglalabas ng saloobin sa video. Sa kabila ng nararamdaman, ay tinapos pa rin nito ang pagsasalita sa video ng buong puso.

Photo credits: Lloyd Cafe Cadena | Instagram

Napakasakit naman talagang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung sa mga panahong wala kang magawa upang makita o masilayan man lang kahit sa huling sandali ang kanilang mukha.
Marami ang binigyang kaligayahan ni Lloyd sa pamamagitan ng kanyang mga vlog. Ang bawat ngiti at halakhak ni Kween LC ay mananatili sa ating mga puso’t isipan.

Photo credits: Biakid360 | Youtube Channel

Ngunit, ang higit na kahanga-hangang ginawa ni Lloyd na magsisilbing inspirasyon sa atin habang buhay, ay ang walang sawa niyang pagtulong sa mga taong nangangailangan.

error: Content is protected !!