Connect with us

Entertainment

Anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Kinagiliwan ng Madla Matapos Ipamalas ang Talento Nang Mag-ala Weather Reporter

Pinahanga ng limang taong gulang na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna ang mga netizen matapos ipamalas ang talento sa pagiging isang weather reporter.

Goodvibes ang hatid ng anak nina Juday at Ryan na si Luna nito lamang araw ng Sabado, July 17 sa mga netizen. Ibinida ni Ryan sa social media ang isang video clip kung saan nga makikita na ipinamalas ni Luna ang kanyang husay bilang isang weather reporter.

Credit: Ryan Agoncillo | Instagram

Kalakip ang video ni Luna, ay nilakipan naman ito ni Ryan ng caption na nagsasabing:

“This weekend’s weather report is brought to you by our talking doll. May change location pa #lunniebunny.”

Nag-uumapaw naman sa kacutan si Luna sa video at talaga namang makikita ang kabibohan ng munting bata.

“Welcome to news, news news. A new weather report. Today is windy, cloudy, and sunny, which is perfect for sailing for daddy Ryan,”saad ni Luna sa video.

Credit: Ryan Agoncillo | Instagram

Agad namang bumuhos ang papuri at paghanga kay Luna mula sa mga kaibigan sa showbiz ng kanyang Mommy Juday at Daddy Ryan sa kanyang ipinamalas na talento sa pagiging isang weather reporter.

“Kyuuuut! Reporter in da making!”, komento ni Christine Babao.

“Asus!!! Kakaaliw naman!!!,”komento naman ni Beth Tamayo.

Talaga namang hahangaan si Luna hindi lamang sa kanyang cute na mukha, kundi pati na rin ang kanyang natatanging talento. Hindi maitatanggi na namana ni Luna ang talento niya sa kanyang mga magulang na mga mahuhusay na artista at TV host.

Credit: Ryan Agoncillo | Instagram

Ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang isa sa mga celebrity couples sa industriya ng showbiz na may mga cute at talentadong anak. Noong June 2008, nang maengaged sa isa’t isa sina Ryan at Juday na kung saan ay naganap sa isang private resort sa Dumaguete, Negros Oriental. At noong April 28, 2009 nga, ay naisakatuparan na ang kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa pamamagitan ng isang private wedding ceremony sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.

Credit: Ryan Agoncillo | Instagram

Ang matamis at wagas na pagmamahalan nina Juday at Ryan ay biniyayaan ng tatlong anak. Ang panganay na si Yohan, ay ang adopted child ng mag-asawa na napunta na sa pangangalaga ni Juday noong 2005. Ang pangalawa naman ay biological na anak na ng mag-asawa, si Lucio o Juan Luis na isinilang ni Juday noong October 7, 2010. At ang bunso naman ay si Luna o Juana Luisa na isinilang naman ng aktres noong January 8, 2016.

Maliban naman sa pagiging mabuti at mapagmahal na mga magulang sa kanilang mga anak, ay abala rin ang mag-asawang Juday at Ryan sa kanilang restaurant business na Angrydobo.

error: Content is protected !!