Connect with us

Entertainment

Anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto, Masayang Nagdiwang ng Kanyang Ika-3 Kaarawan

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay hindi rin namalayan ang mabilis na paglaki ng anak ng aktres na si Ellen Adarna at aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Ang pag-iibigan noon nina Ellen at Lloydie na bagama’t nauwi sa hiwalayan, ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Ito nga si Elias Modesto, na isinilang ni Ellen noong ika-27 ng Hunyo 2018. At nito lamang ngang araw ng Linggo, ay masayang ipinagdiwang ni Elias ang kanyang ika-3rd birthday sa piling ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Hindi lamang isa kundi dalawang magkahiwalay na birthday party ang naganap na pagdiriwang para sa espesyal na araw ni Elias. Ang isa nga ay birthday party na inihanda ng kanyang ina na si Ellen at fiancee nitong si Derek Ramsay, at ang isa naman ay isang masayang selebrasyon sa piling ng kanyang amang si Joh n Lloyd.

Sa Instagram, ay makikita na parehong spiderman-themed birthday party ang inihanda ni John Lloyd at Ellen para sa kanilang anak. Sa Instagram nga ni Ellen ay ibinahagi niya ang ilang litrato at video na kuha sa masayang selebrasyon ng kaarawan ni Elias. Makikita nga na katuwang niya si Derek sa paghahanda at pagbibigay saya kay Elias. Si Ellen naman ang may hawak ng spideman-themed cake para i-blow ni Elias.

Napakacute namang pagmasdan ni Elias sa kanyang suot na spiderman custome. Makikita rin sa mukha ng munting bata na masayang-masaya sa pagdiriwang ng kanyang 3rd birthday.

Samantala, para naman sa inihandang selebrasyon ni John Lloyd, ay makikita sa mga larawang ibinahagi sa Instagram ng kanyang kaibigan na si Maja Salvador, na isang simple ngunit masayang selebrasyon ang naganap para sa birthday ni Elias.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

Naroon rin sa selebrasyon ng birthday ni Elias, ang boyfriend ni Maja na si Rambo Nuñez at kaibigan rin ni John Lloyd na si Katrina Halili. Makikita naman sa isang video na inalalayan ni John Lloyd ang anak sa pag-blow ng cake na napakacute tingnan. At hindi nga maitago sa mukha ni Elias ang kasiyahan sa masayang pag-diriwang ng kanyang kaarawan.

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon nina Ellen at John Lloyd, ay hindi naman sila nagkukulang na ipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang anak. Sa pamamagitan nga ng co-parenting set up nilang dalawa, ay tinitiyak nilang lalaking mabuting bata si Elias.

 

Matatandaan na noong 2017, nang magsimula ang relasyon nina Ellen at John Lloyd, at isang taon lamang matapos isilang ni Ellen si Elias, ang kanilang relasyon ay nagwakas noong 2019.

Nang mga panahong nasa piling ni John Lloyd si Ellen, ay nagpasya ang aktor na iwan ang showbiz. At ngayon nga, matapos ang ilang taong pamamahinga sa larangan ng parte, ngayon ay bumabalik na si Lloydie sa industriya ng showbiz, upang muling ipamalas ang kanyang husay at talento.

error: Content is protected !!