Connect with us

Entertainment

Anak Nina Dr. Vicki Belo At Hayden Kho Na Si Scarlet Snow Belo, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 5th Birthday

Published

on

Isang espesyal na bahagi ng ating buhay ay ang kaarawan na kung saan isang beses sa isang taon lang natin ipinagdiriwang. Kaya naman talagang pinaghahandaan at nagkakaroon pa ng selebrasyon upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito. Ngunit, ang araw rin na ito ay para sa mga munting bata o mga anak natin na sabik makatanggap ng munting regalo mula sa kanilang mga mahal sa buhay. Labis rin ang kasiyahan ng buong pamilya at ng may kaarawan dahil magkakasama sila sa espesyal na araw na ito.




Ganito na nga ang hatid na kasiyahan sa nag-iisang anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo na masayang nagdiwang ng kanyang ika-5th Birthday.

Bilang anak ng mga sikat na personalidad sa industriya, marami ang nakasubaybay sa napakacute na si Scarlet. Kilala rin ang cute na bata sa social media sa kanyang mga napakacute na larawan at mga nakakatuwang videos na hinahangaan ng marami.

Kaya naman maraming tagahanga ang nakaabang sa kaarawan ng social media darling na si Scarlet. Noong ika-6 ng Marso, masayang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa Forbes Park sa Makati na talagang hinangaan ng nakararami dahil sa napakaganda at cute ng tema nito na “paw-themed” birthday party.

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram




Ang totoong araw ng kapanganakan ni Scarlet ay March 3, ngunit mas pinili ng pamilya na ipagdiwang ito noong March 6 upang makadalo ang mga malalapit na kaibigan at kaklase ni Scarlet.

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

Sa Instagram account ni Scarlet, masayang ibinahagi ng kanyang mga magulang na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho ang ilang larawan na kuha sa venue ng kaarawan nito.

“If only I knew that turning 5 would be this fun! Thank you to everyone who made my birthday awesome. “I can’t wait for my next one,”

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

pahayag ng mag-asawa sa caption ng post.

Makikita sa larawang ibinahagi ang saya sa mukha ni Scarlet sa araw ng kanyang kaarawan na kung saan ay nakasama niya ang kanyang pamilya, kaibigan at mga kaklase.

Ang “paw-themed” naman ng kanyang birthday party ay talagang napakagandang pagmasdan na bago makapasok sa loob ng venue ay mga lobo na talagang napakagaan sa mata. Sa loob naman makikita ang iba’t ibang klase ng mga stuff toy na aso at pusa.

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram




Mayroon ring makikitang mga alagang hayop na itinampok sa isang bahagi ng programa ng kanyang kaarawan. Makikita naman ang kaibigan at kaklase ni Scarlet na masayang naglalaro.

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

At siyempre hindi naman mawawala ang cake para sa birthday celebrant. Ang 3-layered cake ni Scarlet sa kanyang Birthday ay nakapaganda at cute rin dahil sa paw-themed din ito na napapalibutan ng disenyo ng aso at pusa.

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

Photo credits: Scarlett Snow Bello | Instagram

Ang naturang cake ay mula sa Red Ribbon na kung saan ay isa sa mga endorsements niya.




error: Content is protected !!