Connect with us

Entertainment

Anak Nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo, Muling Pinamangha ang Marami Dahil sa Pakikipagsabayan Nito sa Surfing sa Kanyang Ama

Ang kakayahan at talento ng isang tao ay lumalabas at nadidiskubre ng magkakaiba’t ibang panahon. Mayroong iba na nadidiskubre ang kanilang talento at kakayahan kapag sila ay malaki na, at mayroon naman na ito’y nadidiskubre sa murang edad pa lamang.
Halimbawa na lamang nito ay ang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo, na sa kanyang murang edad ay nadiskubre na nito ang isa sa kanyang mga kakayahan na sa kanya ay tunay na nagbibigay kasiyahan.

Photo credits: Philmar  Alipayo| IG

Madalas na maging laman ng ulat lalo na sa social media ang pamilya nina Andi at Philmar o ang tinaguriang ‘Happy Islanders’ dahil sa kanilang masayang pamumuhay sa isla ng Siargao. Marami naman ang talagang sumusubaybay sa bawat vlog ng pamilya dahil sa talagang ultimate kasiyahan ang hatid nila lalo pa’t nilalaman nito ay ang kanilang mga family bonding, mukbang moments, pamamasyal sa isla at pagsabak sa iba’t ibang mga activities.

Photo credits: Philmar  Alipayo| IG

Ang isla ng Siargao ay isa sa mga nagagandahang isla sa Pilipinas, at noon pa man ay marami na ang humahanga sa mala-paraisong ganda nito, idagdag pa ang kabutihan ng mga tao na naninirahan dito. Mas lalo pang nakilala ang isla at mas madami ang naka-appreciate ng kagandahan nito dahil sa mga vlogs ng ‘Happy Islanders.’

Photo credits: Philmar  Alipayo| IG

Samantala, dahil sa nasa isla ay tunay na malayo sa siyudad ang pamilya nina Andi at Philmar, ngunit sa kabila nito ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi makapag-enjoy ang kanilang mga anak. Sa vlog nila ay ibinahagi nila kung paano nasisiyahan ang anak nilang sina Lilo at Koa sa pagiging exposed ng mga ito sa water activities, tulad na lamang ng pagsi-surfing.

Photo credits: Philmar  Alipayo| IG

Si Philmar Alipayo ay kilala bilang isang professional surfer sa ating bansa, at dahil dito ang kanyang mga anak ay hindi kataka-takang nagkaroon din ng hilig sa ganitong water activities, lalo na ang anak nilang si Lilo. Sa edad a 3-taong gulang ni Lilo, ay agad na itong kinakitaan ng potensyal at interes sa pagsi-surfing.

Photo credits: Philmar  Alipayo| IG

Matatandaan na noon ay tanging pagbabalanse ng kanyang sarili sa surfing board ang kaya ni Lilo, ngayon nga ay mas pinabilib niya ang marami sa improvement na ipinamalas niya ngayon kung saan ay kayang-kaya na niyang makipagsabayan sa kanyang daddy Philmar.
Makikita sa larawan na ibinahagi ni Philmar sa kanyang Instagram account kung paano nakipagsabayan sa kanya ang anak niyang si Lilo, kung saan sa iisang surfing board ay magkasama silang nakatayo at bumabalanse habang nilulupig nila ang alon.

Photo credits: Philmar  Alipayo| IG

Tunay na pinabilib ni Lilo ang maraming netizens sa ipinamalas niyang kakayahan na itom sapagkat hindi lamang ang galing niya sa pagsi-surf ang nakakabilib dito kundi maging ang ipinakita niyang tapang.
Marami naman ang nagsasabi na balang araw ay susunod si Lilo sa yapak ng kanyang daddy Philmar, lalo pa’t ngayong 3-taong gulang pa lamang ito ay naipapamalas na nito ang kakayahah niya sa surfing.

error: Content is protected !!