Connect with us

Entertainment

Anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Andres, Balik Spain na Para Ipagpatuloy ang Pag-aaral sa Kolehiyo

Ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ay ikinasal noong May 28, 2001 sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony na naganap sa St. Joseph the Worker Parish sa Pacdal, Baguio matapos ang kanilang engagement. Isang taon lamang nga ang lumipas ay agad na biniyayaan ang kanilang pagsasama ng kambal na anak na sina Andres at Atasha, na isinilang ni Charlene noong Nobyembre 5, 2002.

Credits: Charlene Gonzales | IG

Sa hindi namalayang paglipas ng panahon, ngayon nga ay 19 taong gulang na ang kambal na anak nina Aga at Charlene. Hindi rin maikakaila na sa edad nilang ito, ay tila natututo na rin silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Katulad na lamang nga ng unico hijo ng mag-asawa na si Andres, na talaga namang nagiging independent ngayong nasa kolehiyo na ito.

Credits: Charlene Gonzales | IG

Matatandaan na noong nakaraang taon lamang nang magtapos sa Brent International School ang kambal nina Aga at Charlene na sina Andres at Atasha kung saan nga ay talagang naeenjoy nila ang college life. Si Atasha ay kasalukuyang nasa ilalim ng online schooling sa isang university sa United Kingdom. Samantalang si Andres naman, ay matatandaan na lumipad patungong Spain noong nakaraang Enero para makadalo sa kanyang klase sa loob mismo ng kanilang campus. Ngunit, bumalik ng Pilipinas noong Mayo para sa kanilang summer break.

Credits: Charlene Gonzales | IG

At nito lamang ika-23 ng Agosto, ay tapos na nga ang summer break ni Andres at muli na naman siyang lilipad patungong Spain para magbabalik eskwela at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kaya naman, ang mag-asawang Aga at Charlene ay hindi maiwasang malungkot, dahil muli na naman silang mawawalay sa kanilang gwapong anak.

Sa Instagram, ay idinaan ng mag-asawang Aga at Charlene ang kanilang nakakaantig na mensahe para sa kanilang anak, bilang pamamaalam sa muli nitong pag-alis. Para sa mensahe ni Charlene kay Andres, ay ipinaabot niya ang kanyang mga bilin, para sa ikabubuti nito.

“And just like that… The summer went by so fast.. Back to Spain today for your sophomore year in college. What a wonderful summer it was having you at home with us. We will be missing you, like we always do my son. Be inspired & inspire. Spread your wings and continue to fly.. Continue to praise, glorify & put God in the center of all that you do. love you very much, Andres.”

Credits: Charlene Gonzales | IG

Samantalang sa mensahe naman ni Aga para sa journey ni Andres sa kanyang sophomore year, ay binalikan ng aktor ang masaya nilang bonding sa kanilang nagdaang summer vacation kung saan nag-out of town ang kanilang pamilya. Tanging hangad rin ni Aga para sa kanyang anak, ay mag-enjoy ito sa pag-aaral sa kolehiyo.

“My son, my partner, my gym partner, my buddy!! Summer well spent with you! Hope you had a blast as well. Enjoy your 2nd year in college. I’ll miss you and you know that. See you soon! Continue to be nice and kind. God loves you. We love you!!! Cheers, buddy!”

error: Content is protected !!