Connect with us

Entertainment

Anak Ni Valerie Concepcion Na Si Heather, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Ika-17 Taong Kaarawan

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay dalaga na nga ang anak ng aktres na si Valerie Concepcion. Nito lamang ika-25 ng Oktubre, araw ng Lunes nang masayang ipagdiwang ng anak ni Valerie na si Heather Fiona Galang ang kanyang ika-17 taong kaarawan.

Sa kanyang Instagram account, ay masayang ibinahagi ni Valerie ang ilang larawan at video na kuha sa naging pagdiriwang ng espesyal kaarawan ng kanyang anak na si Heather. Sa espesyal na pagdiriwang na naganap sa kanilang tahanan ay nakasama ni Valerie at Heather ang kanilang pamilya.

Sa nasabing IG post naman ni Valerie, ay hindi nakalimutan ng aktres na ipaabot ang kanyang sweet at puno ng pagmamahal na pagbati para sa kaarawan ng kanyang anak. Ayon nga kay Valerie, kahit na isa nang ganap na dalaga ang kanyang anak, ay ito parin ang kanyang baby girl. Sinabi rin ng aktres na ang kanyang anak na si Heather ang kanyang “greatest treasure”.

“Before this day ends, I want to greet my lovely daughter—Happy 17th Birthday, Heather! Sharing each day of my life with you is so special. Don’t forget that I am here for you and you are very much loved. No matter how old you get, you will always be my baby girl and I will never stop loving you. You are and will always be my greatest treasure.”

Matatanda na minsan nang ibinahagi ni Valerie sa isang panayam sa programang “Magandang Buhay” na sa edad na 16 nang siya’y mabuntis kay Heather. Kwento ni Valerie, ay kinukulong siya ng kanyang mga magulang noong nabuntis siya dahil natatakot umano ang mga ito na makipagtanan siya sa ama ng kanyang anak, na noon ay mahal na mahal niya.

“Tinago ko [sa parents ko] na may boyfriend ako, tapos biglang buntis na nga. Habang buntis pa ako, kinukulong ako sa bahay kasi natatakot sila na baka makipagtanan ako. Kasi na-in love talaga ako nung time na yun sa tatay ng anak ko.”

Photo credits: Valerie Concepcion | IG

Bagama’t, hindi nakita ni Heather ang ama hanggang siya’y lumaki, ay hindi naman nagkulang si Valerie sa kanyang anak, kung saan nga, ay pinakita niya ang picture at sinabi niya sa kanyang anak ang tunay katauhan ng ama nito magmula pa noong bata pa ito. Walang isinikreto si Valerie sa kanyang anak sa bawat detalye patungkol sa ama nito.

“Bata pa lang sya, hindi ako nagsisinungaling. Sinasagot ko nang maayos, ini-explain ko lahat. Kahit hindi pa niya nakikita in person yung dad nya, pinakita ko yung picture. Ito yung tatay mo, ito ang pangalan nya. Wala akong sinisikreto sa kanya.”

Kaya naman naniniwala si Valerie na ito ang dahilan kung bakit “open” sa kanya ang kanyang anak. Hindi na nga nakapagtataka kung sa paglaki ni Heather, ay tapat at walang tinatagong sikreto ang kanyang anak sa kanya.

“Ngayon na teenager na sya, hindi sya nagsi-sikreto sa akin and I’m so thankful. At least maga-guide ko sya nang tama. Mas malaki yung tsansa na hindi nya maulit yung mga pagkakamali ko sa buhay.”

Matapos ang kabiguan sa naunang pag-ibig, ngayon nga ay masaya na si Valerie sa piling ng kanyang non-showbiz husband na si Francis Sunga. Sila ay ikinasal noong December 2019 matapos maengaged ng mahigit isang taon.

error: Content is protected !!