Connect with us

Entertainment

Anak ni Sheena Halili na si Baby Martina 5 Months Old na, Cute na Cute sa Ginawang DIY Photoshoot ng kanyang Mommy Sheena

Magmula nang isilang ng aktres na si Sheena Halili ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzareno, ay nakompleto at naging makulay na ang kanilang pamilya. Matatandaan na noong ika-12 ng Disyembre nang isilang ni Sheena ang kanyang napakacute na baby girl na si Martina, at magmula noon ay hindi pinalampas ng first time mom ang precious moments kasama ang anak.

Hindi nga namalayan ang paglipas ng panahon, mula nang isilang ni Sheena si Baby Martina, at ngayon nga ay limang buwang gulang na ang napakacute na bata.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Maliban naman sa maternity photoshoot, ang isa pinaghahandaan ng isang inang tulad ni Sheena ay ang monthly celebration ng kanilang mga anak. At para sa pagdiriwang ng ika-limang buwang kaarawan ni Baby Martina, ay gumawa ng paraan si Sheena para maisakatuparan ang napakagandang milestone phostoshoot ng kanyang baby girl.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Isang DIY photoshoot ang ginawa ni Sheena sa loob ng kanilang tahanan para sa 5th month celebration ng kanyang anak. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Sheena ang cute and adorable photos ni Baby Martina. Makikita naman na talagang napakacute ni Baby Martina sa suot niyang head to toe pink dress, at sadyang napakaganda rin ng disenyong napili ni Sheena, dahil napapalibutan ang cute na bata ng mga naggagandahang pink flowers na binagayan naman ng number 5 na kulay pink rin.

Sa isa namang larawan, makikitang nakasuot naman si Baby Martina ng costume na tila little version ng Disney Princess Belle ng “Beauty and the Beast” na talagang napakacute ring pagmasdan ang maamo at inosente nitong mukha.

Samantala, bago naman maisakatuparan ni Sheena ang napakagandang DIY photoshoot ni Baby Martina, ay humingi naman siya ng tulong sa international floral and event designer na si Gideon Hermosa.

“Actually pinadala niya props namin ako nag ayos ayon sa instructions niya. Sana pasado sayo Gids.”

Tunay nga na sa kabila ng pagod, at puyat sa pag-aalaga kay Baby Martina, ay hindi nito alintana ni Sheena, sa halip nga ay makikita na inienjoy ng aktres ang buhay ng isang ina sa piling ng kanyang anak. At makikita naman talaga sa social media ni Sheena na halos mapuno na ito ng mga larawan ng napakacute na si Baby Martina. Sa bawat larawan naman, ay makikita kung gaano kamahal ng mag-asawang Sheena at Jeron ang kanilang panganay na nagsisilbi nilang bundle of joy.

error: Content is protected !!