Connect with us

Entertainment

Anak ni Kapuso Star Jennylyn Mercado na si Jazz, Masayang Nagdiwang kanyang Kaarawan

Marami nga ang humahanga sa husay at galing sa pag-arte ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado. Walang duda na marami siyang naging proyekto at pelikulang ginampanan sa showbiz. Ngunit, maliban sa kanyang talento, kahanga-hanga rin ang kanyang magandang mukha at sexy na katawan.




Matatandaan na unang nasilayan ang aktres sa unang season ng reality talent show na Starstruck sa GMA Network kung saan siya ang itinanghal bilang ultimate winner. At dito na nga nagsimulang bumuhos ang proyekto ni Jen na nagdala sa kanya sa matagumpay na karera.

Kasabay naman ng matagumpay na karera ng aktres ay ang pagtibok ng kanyang puso, ito nga ay sa katauhan ng aktor na si Patrick Garcia ngunit ang kanilang relasyon ay agad namang nagwakas. Nagbunga naman ng isang batang lalaki ang kanilang pagmamahalan noon at ito’y pinangalanan ni Jen ng Alex Jazz o may palayaw na Jazz.

At matapos nga ng ilang taon ay hindi na namalayan ang paglaki ni Jazz na talaga namang napakagwapong bata. Marahil ay namana nga ni Jazz sa kanyang mga magulang ang magandang katangian niyang ito, lalo na sa kanyang amang si Patrick. At tila nga mini me ito ng aktor sa sobra nilang pagkakahawig.




Ipinanganak si Jazz noong August 17, 2008 at ngayon nga ay 12 na taong gulang na si Jazz, matapos magdiwang ng kaarawan kahapon araw ng Lunes, August 17, 2020.

Masayang ipinagdiwang ni Jen at partner niyang si Dennis Trillo ang kaarawan ni Jazz kahit nasa gitna ng quarantine ang ilang panig ng bansa kabilang na ang Metro Manila. Hindi naman naging hadlang ang quarantine upang magkaroon ng simple ngunit masayang selebrasyon ang anak ni Jen.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Jen ang kaganapan sa masayang selebrasyon ng kaarawan ng anak. At ayon nga sa aktres, ay sinurpresa umano ito ni Dennis upang maging masaya sa kanyang espesyal na araw.

“My sweet and precious birthday boy couldn’t have asked for a better birthday surprise. Thank you @dennistrillo for channeling your inner Blippi. I love you Jazzy!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Makikita na masayang-masaya si Jazz sa surpresa ni Dennis sa espesyal na araw ng kanyang kaarawan. Simple man ngunit kakaibang kaligayahan naman ang hatid nito kay Jazz.




Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Jazz, kabilang na nga rito ang asawa ng ama niyang si Patrick na si Nikka Garcia.

“Happy birthday Jazz!!”, komento ni Nikka.

Samantala, ang ama ni Jazz na si Patrick ay may sarili ng pamilya at may tatlong anak sa asawa nitong si Nikka. Samantalang ang ina namang si Jennylyn ay masaya sa piling ng aktor na si Dennis. Nagkahiwalay man, ay nagkakasundo naman ang dalawang dating magkasintahan pagdating sa kanilang anak. Makikita nga sa social media ni Patrick na madalas nitong hiramin si Jazz kay Jen upang makapagbonding silang mag-ama.

error: Content is protected !!