Connect with us

Entertainment

Anak ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan, Naging Emosyunal sa Surpresa ng kanyang mga Magulang para sakanya Bilang Pagdiriwang ng kanyang ika-16 na Kaarawan

Napakabilis naman talaga ng paglipas ng panahon, tulad na hindi natin namamalayan ang mabilis na paglaki ng panganay na anak ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan, na ngayon ay 16-taong gulang na.

Samantla, sa labis na kaligayahan na nadama, ay hindi napigilan ng panganay na anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan, ang maging emosyonal. Ito ay dahil sa hindi niya inaasahan na sa kanyang ika-16 na kaarawan, ay nagkaroon pala ng preparasyon at paghahanda ang kanyang mga magulang, upang siya ay masurpresa.




Isang virtual party ang inihanda nina Judy Ann at Ryan, para sa kaarawan ng kanilang anak na si Yohan, at ito nga ay hindi inaasahan ng kanilang panganay na anak. Ilang mga malalapit na kaibigan naman ni Yohan ang inimbitahan ng mga ito, upang dumalo sa virtual birthday party ng kanilang anak.

Kahit pa nga ba hindi pa rin nawawala ang kinatatakutang pandemya sa ating bansa, ay hindi naman ito naging hadlang sa mag-asawang Ryan at Judy Ann, na mabigyan ng simpleng selebrasyon ang kaarawan ng kanilang anak na si Yohan.

Nagbahagi naman si Judy Ann Santos, ng ilang mga larawan na kuha, mula sa inihanda nilang virtual birthday party para kay Yohan. At kalakip ng mga larawan na ito, ay ang mensahe niya para sa anak na nagdiriwang ng kaarawan.

“Happy sixteenth baby love… oh how I wish I could still cuddle you from the first day I fell in love with you. You have grown so fast! So fast, that I want to turn back time to the day that you were so in love with a mascot and would bring me and daddy so much joy watching you so happy.”

“You will always be my first love sweetheart… you are one of the God’s greatest blessing and will forever be mommy and daddy’s baby girl. We love you so much sweetie pie… I know, in my heart .. that we were meant to be… #yohan16. Thank you to everyone who made our baby girls bday extra special!”

Makikita nga sa naging mensahe ng 42-taong gulang na si Judy Ann Santos, na para sa kanya, ay isa ang anak niyang si Yohan, sa pinakamagandang blessings na natanggap niya mula sa Diyos. SSiniigurado rin ng Tv host-actress, na mananatiling baby girl nila ang panganay na anak.




Hindi naman napigilan ng 16-taong ng si Yohan, ang maging emosyonal, lalo na ng magbigay ito ng pasasalamat para sa kanyang mga magulang, na kita at ramdam niya na mahal na mahal siya.

Sa isang video clips na ibinahagi ni Judy Ann, ay mapapanood ang naging pasasalamat ni Yohan sa kanyang mga magulang, kung saan ay hindi nito napigilan ang malula, habang sinasabi ang;

“Thank you for everything. There’s more [I want to say] but my tears are showing everything already.”

Matatandaan naman na si Yohan ay inampon ng aktres na si Judy Ann Santos noong siya ay 26-taong gulang pa lamang. At ng ikasal siya sa kanyang asawa ngayon na si Ryan Agoncillo, ay mas nagkaroon ng buong pamilya si Yohan dahil sa buo at wagas ang naging pagmamahal nila kay Yohan, at ang pagturing nila rito na tunay nilang anak.

Ngayon ay mayroon na ring mga kapatid si Yohan, at ito ay ang dalawang anak nina Ryan ar Judy Ann na sina Lucio at Luna.

error: Content is protected !!