Connect with us

Entertainment

Anak ni Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jayda, Hinangaan Dahil sa Kanyang Natural na Kagandahan at Husay sa Pag-awit

Marami nga ang humahanga sa taglay na talento pagdating sa kantahan ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Sa kanilang mga nakakaantig na awitin nga, ay talagang dalang-dala ang emosyon ng mga tagapakinig dahil sa maganda nilang tinig.




Photo credits: Jessa Zaragoza | IG

Kaya naman, hindi nakapagtataka na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na tinatangkilik ang kanilang mga sikat na awitin. Ngunit, hindi lamang magandang tinig bilang mga sikat na singer sa bansa, ang kahanga-hanga sa mag-asawa.

Photo credits: Jessa Zaragoza | IG

Dahil, taglay rin nina Jessa at Dingdong ang natatanging kagandahan at kagwapuhan.

Photo credits: Jessa Zaragoza | IG

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko, na mayroon silang isang babaeng anak na sadyang napakaganda, siya si Jayda. At makikita na ang taglay na napakagandang mukha ni Jayda, ay namana niya sa kanyang mga magulang. Nang masilayan nga ng publiko ang natural na ganda ni Jayda ay talagang umani ito ng papuri.

Makikita nga sa social media ng dalaga na madalas itong magbahagi ng kanyang mga larawan at video. Katulad na lamang nga ng isang video kung saan makikita ang kanyang before and after transformation.




Makikita na inaayusan si Jayda ng kanyang hair and make up stylist, at sa huling bahagi nga ng video, ay ipinakita ng dalaga ang napakagandang resulta ng kanyang kagandahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Hindi naman maikakaila na kahit walang bahid ng make up ang mukha ni Jayda ay sadyang napakaganda parin niya. Kaya naman, ang mga netizens ay talagang nabighani sa kanyang natatanging ganda. At hindi nga napigilan ng mga ito, na magbigay ng mga komentong puno ng paghanga.

Photo credits: Jessa Zaragoza | IG

May ilan pa nga na inahalintulad siya international singer na si Ariana Grande.

“Ariana Grande ???”

“Mas maganda pa sya kay Barbie Doll. So gorgeous.”

Ariana Grande ikaw ba yan? Grabe ganda ng bb girl ko.”

“Grabe kamukang kamuka mo talaga si mommy mo. Ganyan rin sya noon naalala ko.”
“That final glamorous shot.. biglang tingin Mommy Jessang, mommy Jessa eh! Napakaganda!”

Bukod naman sa natatanging kagandahan ni Jayda, ay kahanga-hanga rin ang angking talento nito sa pag-awit. At tulad nga ng kanyang mga magulang, ay napakahusay rin niya. Patunay lamang nga nito, ang bagong kanta na inawit ni Jayda kasama ang kanyang Daddy Dingdong na may pamagat na “Paano kung naging tayo” ay inilabas na kamakailan sa publiko. Ito ang kauna-unang Filipino song na kanyang ginawa.

error: Content is protected !!