Connect with us

Entertainment

Anak ni Ina Raymundo Na si Jakob Portunak, Baseball Player Na Ngayon Sa Xavier University sa United States

Proud na proud ang aktres at celebrity mom na Ina Raymundo sa bagong journey ng kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Jakob Portunak. At ito nga ay dahil ang kanyang unico hijo ay isa nang official college baseball player sa United States.

Credits: Ina Raymundo | IG

Nito lamang ika-15 ng Nobyembre araw ng Lunes, ay ibinahagi ni Ina sa kanyang Instagram account ang magandang balita. At ayon nga sa seksing aktres, ang kanyang pangalawang anak sa kanyang asawang si Brian Portunak na si Jakob, ay natanggap bilang D1 college baseball player sa Xavier University sa Cincinnati, Ohio.

Sa caption nga ng kanyang post, ay talagang proud na proud si Ina sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak. Ang mapabilang nga sa D1 o Division 1 baseball player ang kanyang anak ay talagang nakaka-proud dahil ito ang highest level of intercollegiate athletics sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa US. Ito rin ang itinuturing na pinaka-competitive dahil sa pagbibigay nito ng scholarship.

Credits: Ina Raymundo | IG

“After many years of hard work and dedication to baseball, my son is now officially a Xavier Musketeer. To be playing D1 college baseball is one of the best achievements in your life, Jakob. We are so proud of you.”

Sa kanyang post, ay pinasalamatan rin ni Ina ang kanyang Canadian husband na si Brian, sa pagtulong at pagsuporta nito sa kanilang anak para makamit ang pangarap nitong mapabilang sa D1 baseball player ng kanilang eskwelahan.

“Of course, this wouldn’t be possible without the 101% support you get from your dad. I’ve witnessed the best teamwork between the two of you, that also includes Coach Alex, thank you.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, ay abot langit nga ang pasasalamat ni Ina sa pagbuhos ng biyaya sa kanilang pamilya.

Credits: Ina Raymundo | IG

“Thank you Lord, for orchestrating all these blessings,” dagdag ng aktres na sinamahan pa ng mga hashtags na #AthleticScholarships, #LetsgoX, at #Jakpot.

Matatandaan na noong Setyembre ng nakaraang taon nang ianunsiyo ni Jakob ang tungkol sa kanyang baseball career sa Xavier University. Kasabay nga nito, ay pinasalamatan ni Jakob ang kanyang mga magulang, coaches at mga taong tumulong sa kanya para makamit ang goal na makapaglaro ng D1 ball.

Credits: Ina Raymundo | IG

Ang 17 taong gulang na ngayong si Jakob ay talagang may kahanga-hangang husay sa paglalaro ng baseball. Sa edad kasing 6 na taong gulang, ay natuto na siyang maglaro. Nag-aral si Jakob ng high school sa International School Manila.

Credits: Ina Raymundo | IG

Maliban sa nag-iisang lalaking anak ni Ina na si Jakob, ay may apat pang anak na babae ang aktres sa kanyang Canadian husband na si Brian, sila ay sina Erika, na nag-aaral sa Berklee College of Music sa US at sina Anika, Mikaela, at Minka.

error: Content is protected !!