Connect with us

Entertainment

Anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco, Proud na Ibinahagi na Nakapagtapos Siya ng Magna Cum Laude Sa Kanyang Pangalawang International Degree

Ang socialite actress na si Gretchen Barretto at partner nitong si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr na isang businessman, ay biniyayaan ng isang babaeng anak. Siya nga si Dominique Cojuangco, ang kanilang nag-iisang anak.




Si Dominique ay 25 taong gulang na ngayon at pinapatunayan ang sarili sa mundo fashion kung saan ay ipinapamalas ang kanyang kahanga-hangang talento. Matatandaan na noong 2017, ay nakapagtapos na si Dominique at nagkamit ng dimploma sa kursong Fashion Design sa prestihiyosong fashion school sa London na Istituto Marangoni.

Photo credits: Dominique Barretto | Instagram

At kamakailan lamang, sa pangalawang pagkakataon ay muling ipinamalas ni Dominique ang kanyang kakayahan matapos magtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Associate of Arts in Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) sa San Francisco, California.

Photo credits: Dominique Barretto | Instagram

Hindi nga matawaran ang kaligayan ni Dominique sa tagumpay na kanyang nakamit. At ang magandang balita na ito, ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account. Ayon sa post ni Dominique, ay katatapos lamang ng kanilang online graduation ceremony kung saan ay nagtapos siya bilang Magna Cum Laude.

Photo credits: Dominique Barretto | Instagram

“#FIDMGraduation live done. Magna Cum Laude, but fell a little bit short of the Cyril Magnin award”

Makikita rin sa post ni Dominique ang kalakip na larawan kung saan ay nakasuot siya ng itim na toga na ayon sa kanya, ang naturang larawan ay kuha ilang linggo na ang nakakalipas bago pa man isagawa ang online commencement exercise.

Photo credits: Dominique Barretto | Instagram




Kung masaya at proud sa sarili si Dominique, hindi naman maikakaila na proud na proud rin sa kanyang tagumpay ang kanyang inang si Gretchen. Sa nasabing post nga ni Dominique, ay malugod itong binati ng aktres.

“Thanks for a lovely Breakfast my baby love congratulations,” komento ni Gretchen sa post ng kanyang unica hija.

Photo credits: Dominique Barretto | Instagram

Samantala, marami rin sa malalapit na kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa nakamit niyang tagumpay. Kabilang na nga rito ang TV host-actress na si Ria Atayde.

“Proud of you always!!”,saad ni Ria.

Nagpasalamat naman si Dominique sa pagbati ng aktres, maging sa pagbibigay nito sa kanya ng toga at cap.

“@ria thank you for my cap and gown

Matatandaan naman na minsang nang ibinahagi ni Dominique sa Instagram, ang hirap na kanyang napagdaanan sa gitna ng pandemya habang nananatili sa Amerika.

“Been on l0ckdown for ten days now – working at home and drinking lots of vitamins. This type of self-care is not available to everyone. I’ve been rationing my food as much as possible, but this is some people’s reality everyday.”

At noong nakaraang buwan ng Hulyo, ay muli na siyang nakabalik ng Pilipinas.

error: Content is protected !!