Connect with us

Entertainment

Anak ni Ellen Adarna na si Elias Modesto, Hindi Nagustuhan nng Halloween Costume ng Kanyang Ina

Nitong nakaraang buwan ng Oktubre nang ipagdiwang ang Halloween season. Kung saan nga palawakan ng imahinasyon para maisakatuparan ang nais na Halloween costumes. Ang mga sikat na celebrities nga sa showbiz ay hindi pinalampas ang pagkakataon na ibahagi sa kanilang social media ang kanilang kahanga-hangang Halloween costumes.

Kung ang ilan nga ay kasama ang kanilang pamilya sa pasilip sa kanilang Halloween costumes sa napili nilang mga karakter, ang ilan naman ay mga celebrity couples na talagang binagay sa kanilang mga karakter ang kanilang costumes.

Hindi naman nagpahuli ang mag-inang Ellen Adarna at anak nitong si Elias Modesto na ipasilip rin ang kanilang halloween costumes. Nito lamang ika-2 ng Nobyembre nang ipasilip ni Ellen sa kanyang Instagram story ang “cute moments” nila ng kanyang anak habang nakasuot ng kanilang Halloween costumes.

At makikita nga na tila hindi nagustuhan ng tatlong taong gulang na si Elias ang napiling Halloween costume ng kanyang Mommy Ellen kung saan nga ay nagbihis itong Cruella de Vil at Marilyn Monroe. Makikita nakausot ng red dress si Ellen na binagayan niya ng black and white wig.

Ngunit, ang nakasuot ng costume na SWAT officer na si Elias ay hindi nasiyahan na makita ang kanyang ina sa suot nito. Napaka-cute nga ng naging reaksyon ni Elias, at sinabi sa kanyang Mommy Ellen na:

“I don’t like you to be like that.”

Hindi naman napigilan ng mga kaibigan ni Ellen na matawa sa naging reaksyon ni Elias. At sinabi nga ng mga ito na costume lamang ang suot ng kanyang Mommy Ellen. Mapapansin nga na talagang ayaw ni Elias sa suot ng kanyang ina, at sa ibinahaging larawan ay makikita na hindi nakunan ng maayos na kuha si Elias dahil hindi ito humaharap sa camera.

Ngunit, makikita naman sa ilang videos na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram stories na sa huli ay natanggap na rin nito ang costume ng kanyang ina. Makikita nga na masaya silang nag-bonding sa naganap na Halloween party sa bahay ng fiancee ni Ellen na si Derek Ramsay.

Bago naman matapos ang gabi, ay inalis na ni Elias ang kanyang SWAT costume at pinalitan ito ng kanyang paboritong karakter na Spiderman. Makikita naman na talagang enjoy na enjoy si Elias sa naganap na Halloween party kasama ang kanyang Mommy Ellen at Tito Derek.

Si Elias Modesto ay anak ni Ellen sa kanyang dating karelasyon, at aktor na sj John Lloyd Cruz. Bagama’t, hiwalay na ang dalawa ay may co-parenting set up naman silang pinagkasunduan para mapalaki pa rin ng maayos ang kanilang anak na si Elias.

error: Content is protected !!