Connect with us

Entertainment

Anak ni Dimples Romana na si Callie Ahmee, Binuksan na ang Sariling Negosyo ng Rattan Bags Na Sumusuporta sa mga Local Artisan

Maliban sa pagiging isang sikat na artista sa industriya ng showbiz na hinahangaan ang husay at galing sa pag-arte, ay isa ring butihing ina ang aktres na si Dimples Romana.

Ang aktres ay may dalawang anak sa kanyang asawang si Boyet Ahmee. Sila nga ay sina Callie Ahmee, ang pangnay at Alonzo Ahmee ang bunso.

Hindi naman maikakaila ang ipinapakitang pagmamahal at pagsuporta ni Dimples sa kanyang mga anak. At kamakailan nga, ay labis ang saya ni Dimples para sa kanyang 17 taong gulang na panganay na si Callie. Ito nga ay dahil binuksan na nito ang sariling online business na pinangalanang Cal The Brand.




Isa ngang proud mommy si Dimples sa kanyang anak dahil sa murang edad nito, ay bukas na ang isipan nito sa pagnenegosyo. At nito lamang ika-20 ng Disyembre, araw ng Linggo, ay inilabas na ni Callie ang kanyang unang koleksyon ng kanyang sariling brand, na “handwoven premium rattan bags” sa Instagram page ng Cal the Brand.

Samantala, may magandang hangarin ang negosyo ni Callie. Mas pinili nga ni Callie na mga rattan bags ang maging produkto upang suportahan ang local artists at local brands. Sa ganitong paraan ay makakatulong na makilala ang mga produktong lokal at tatangkilikin ang sariling atin.

Sa isang panayam, ay ibinahagi ni Callie ang kanyang inspirasyon sa kanyang passion sa mga locally made products.

“I wanted to expand that market that was already there and elevate the initiative of some people to support local and bring more awareness to them and their products.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cal (@calthebrand)

Pagbabahagi naman ni Callie, ay dumaan sa revision niya ang produktong kanyang ibinibenta ngayon. Ipinaliwanag rin ni Callie ang mga disenyong kanyang gagawin, at para nga sa una niyang koleksyon ay premium rattan bags. Tiniyak naman ni Callie na sa mga susunod na koleksyon ay magkakaroon siya ng moderno at makukulay na disenyo ng rattan bags.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cal (@calthebrand)

“The designs that I’m selling now, they went through so many revisions. At first, I was supposed to do it with PVC, like a more modern take on banig bags. It just ended up here to a natural, clean slate of rattan bags. They’re premium rattan, and they’re just plain right now but I’m coming up with collections that have more color and more flair to it but I just wanted to have a base and give people an impression of what I’m doing and what I’m going from.”




Samantala, ibinahagi rin ni Callie ang kanyang inspirasyon sa pagbuo at pagbubukas ng isang online business na ang produkto ay mga gawang lokal. Ayon nga sa dalaga, nais umano niya na abaca bags ang ibenta, ngunit naisip rin niya na mas mabuti kung ang ibebenta ay naaayon sa anumang okasyon at pwede sa lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cal (@calthebrand)

“My idea for bags was to reinvent those abaca bags that people would always sell. They were circular, right? [They were] hand bags or sling bags or really big totes. And I just wanted to make a collection that’s very versatile and perfect for any occasion that there’ll be.”

“I feel like there was an impression that these bags were only perfect for the beach or [for] casual wear, and I really wanted to change that so I think I based the designs on that idea. And, these shapes, I feel are sleek and sophisticated enough to bring to a dinner party, and simple and the perfect size for a casual walk to the park or a casual trip to the mall.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cal (@calthebrand)

Sa ngayon, ay pinapaunlad pa ni Callie ang kanyang produkto, na kung saan ay hindi lamang umiikot sa mga fashion items, kundi pati na rin sa mga home items at iba pang kapaki-pakinabang na bagay.

“The future collections, which of course aren’t limited to fashion items only, I’m also exploring home items, furniture, novelties, and hopefully, I’ll go into art soon.”

error: Content is protected !!