Connect with us

Entertainment

Anak ni Claudine Barretto na si Sabina, Nagkaroon ng Pajama Party Para sa Pagdiriwang ng kanyang 16th Birthday

Published

on

Si Claudine Margaret Castelo Barretto o mas kilala bilang Claudine Barretto ay kilalang aktres sa bansa dahil na rin sa kanyang magandang mukha at angking talento sa pag-arte. Nagsimula ang karera ng aktres sa industriya noong 1992 sa ABS-CBN sa youth-oriented show na “Ang TV”. At dito na nga nagsimulang bumuhos ang kanyang mga proyekto hanggang sa bansagan siyang “The Optimum Star”, dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa mga drama series.

Nakilala rin ang tambalan nila ng dating aktor na si Rico Yan at ang tambalan nila sa telebisyon ay nauwi naman sa pagiging real-life couple na tumagal ng halos apat na taon. Ngunit, noong 2002, matapos ang matagumpay nilang pelikula na “Got 2 Believe” ay marami ang nabigla sa pagpanaw ni Rico Yan dahil sa isang malubhang karamdaman.




Matapos naman ang ilang taon ay muling umibig si Claudine at ito nga ay sa katauhan ng aktor na si Raymart Santiago. Nauwi sa pag-iisang dibdib ang pagmamahalan ng dalawa noong 2006, ngunit dahil sa hindi pagkakaunawan, ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nagwakas noong 2013.

Nagkaroon ng dalawang anak sina Claudine at Raymark, ang panganay nilang adopted child na si Sabina, at biological son naman ni Raymart na si Santino. Maliban sa dalawa, ay may dalawa pang adopted si Claudine, sina Quia at Noah. Si Noah ay noong nakaraang taon lamang niya inampon. Bagama’t, walang katuwang sa buhay, makikita naman na masayang-masaya si Claudine kasama ang kanyang mga anak.

At noong June 23 nga, ang panganay na anak ni Claudine na si Sabina ay masayang nagdiwang ng kanyang 16th Birthday. At upang masayang ipagdiwang ang kaarawan ng anak ay nag-set ng isang cozy pajama party si Claudine. Ang pajama party na ito ay ginanap sa kanilang tirahan na matatagpuan sa Quezon City.

Samantala, ibinahagi naman ni Claudine sa Instagram ang mga kaganapan sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ng anak. Makikita nga sa mga larawan at videos na kanyang ibinahagi na nakasuot silang lahat ng magkakaparehong disenyo at kulay ng pajama.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Pinasalamatan rin ni Claudine sa kanyang Instagram ang mga taong nag-provide ng mga ginamit sa kaarawan ni Sab. Katulad na lamang ng milk tea stall at BTS-themed birthday cake.

Nagbahagi rin ang aktres ng isang video kung saan makikita na kinantahan nila ng Birthday song si Sab. Hindi naman maitatago sa mga ngiti ni Sab ang saya na kanyang nadarama sa araw ng kanyang kaarawan.

Happy Birthday Sab!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

error: Content is protected !!