Connect with us

Entertainment

Anak ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Talitha, Ipinamalas ang Husay sa Pag-mememorize

Published

on

Isa nga sa mga naging kontrobersyal na love story sa industriya ng showbiz ay ang pagmamahalan nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Marami nga ang umalma nang mapabalita na ang Bossing ng Eat Bulaga na si Vic Sotto at dating Little Miss Philippines na si Pauleen Luna ay may relasyon. Ito nga ay dahil sa agwat ng kanilang edad na kung saan ay parang anak na ni Bossing si Pauleen. Halos kaedad lang nga ni Pauleen ang mga anak ni Bossing sa mga dati nitong nakarelasyon.

Maliban naman sa agwat ng edad, isa pang dahilan ang pagtutol ng mga anak ni Bossing. Dahil nga, ang asawa ni Oyo Boy Sotto na si Kristine Hermosa ay may hindi pagkakaunawan sa pagitan nila ni Pauleen. Ito nga ay dahil umano ang dating nobyo ni Kristine na si Diether Ocampo ay inakit umano ni Pauleen. At sa hindi nga inaasahang pagkakataon ay may nadiskubreng mga larawan ni Pauleen si Kristine sa mga files ng ex-boyfriend. Kaya naman, hindi agad natanggap ng mga anak ni Vic si Pauleen lalo na ni Oyo.




Ngunit, sadyang napakamakapangyarihan ng pag-ibig na nagbubuklod sa puso nina Bossing at Pauleen dahil ang lahat ng pagsubok sa kanilang relasyon ay magkasama nilang hinarap at matagumpay nilang nalampasan. Sa huli nga, ay natanggap na rin nina Oyo at Danica si Pauleen upang papasukin sa buhay ng kanilang ama.

At noong 2016 nga, naganap ang kanilang pag-iisang dibdib na talaga namang ipinamalas ang pagmamahal sa isa’t isa. Mas lalo namang pinagtibay ang kanilang pagmamahalan nang dumating sa buhay nila ang kanilang napakacute na anak na si Baby Talitha.

Photo credits: pauleenlunasotto | Instagram 

Labis nga ang kaligayahan ng mag-asawa nang dumating si Baby Talitha. Dahil ang kanilang pamilya ay magiging masaya at makulay na. Isinilang nga ni Pauleen si Baby Talitha noong 2017 at ngayon nga ay 2 taong gulang na ito.

Photo credits: pauleenlunasotto | Instagram

Tila naman nagmana si Baby Talitha sa kabibuhan ng inang si Pauleen noong siya’y bata pa, na kanyang ipinamalas noong sumali siya sa Little Miss Philippines. Sa murang edad nga ni Baby Talitha ay makikita na ang katalinuhan nito dahil sa edad niyang ito ay kabisado na niya ang mga planeta sa solar system.




Masaya ngang ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram ang isang video kung saan mapapanood ang katalinuhan ni Baby Talitha. Makikita nga sa video na kabisado na ni Baby Talitha ang mga planeta sa solar system. Bagama’t, medyo nahihirapan pa sa pagbigkas ng mga salita ay tama naman ang pagkakasunod ng bawat planeta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Sa murang edad nga, ay nahahasa na ang kakayahan ni Baby Talitha at maging ang iba’t ibang klaseng kulay ay kabisado na rin niya. Napakabibo rin ni Baby Talitha at nakikipagsabayan rin ito kay Pauleen sa pagsayaw. Kahanga-hanga naman si Pauleen sa pagpapalaki sa anak na talaga namang napakahands-on. At ang bawat bagay nga ay sinisiguro ni Pauleen na matututunan ni Baby Talitha.

 

error: Content is protected !!