Connect with us

Entertainment

Anak Ni Ara Mina Na Si Mandy, Sa Edad Na 5 Taong Gulang, Nais Nang Maging Vlogger

Published

on

Talaga nga namang patok na patok ngayon ang mga vlog kung saan ay nagiging libangan at nagbibigay kaligayahan sa mga manonood. Dahil nga nakakaaliw ang mga videos ng mga vlogger, marami na nga ang nahuhumaling rito. Wala ring pinipiling edad ang pagba-vlog dahil kahit sinumang maaaring magkapaghatid ng saya ay pasok rito.
Katulad na lamang ng anak ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle Meneses o Mandy na sa edad na 5 taong gulang ay nais nang maging vlogger. Si Mandy ay bunga ng pagmamahalan ni Ara Mina at ng dati niyang kasintahan na si Patrick Meneses.




Ibinahagi ni Mommy Ara sa PUSH na ang anak niya ay nagkaroon ng interes sa vlogging at marami na nga itong mga videos ngunit hindi pa niya naa-upload.

“She’s starting na actually ng pagba-vlog. Di ko pa lang na upload at napapa-edit videos niya. Medyo marami-rami na kong nakukuhanan kaso sa phone ko pa lang siya nakukuhanan. And gagawan ko pa lang siya ng channel. “

Photo credits: therealaramina | instagram

 

May nagawa na kong channel before para sa kanya kaya lang hidi ko maalala yung email na ginamit ko. Hahaha! Baka gumawa na lang ulit ako ng dati,”

Photo credits: therealaramina | instagram

Photo credits: therealaramina | instagram

Ngunit, paano nga ba nagsimula ang pagkahilig ni Mandy sa Vlog?

Ayon kay Mommy Ara, nagsimula lamang ito nang makita siya ng anak habang nagba-vlog, at napansin na nga ni Ara na may interes rin ito sa vlogging. At lalo pa itong nagkainteres noong panahon ng quarantine.

Photo credits: therealaramina | instagram

“Last year lang nung nag-start akong mag-vlog nakita ko na interesado rin siya. Kasi nakikialam na siya, nagsasalita na rin sa harap ng cellphone na parang reporter, so sabi ko, ‘Aba, may future ang anak ko bilang blogger.”Pero parang nag-trigger lalo yung interes niya nung nag-ECQ, kasi napapadalas siya mag watch sa YouTube like kay Jojo Siwa and Ryan’s Toys Review dahil nasa house lang siya at dahil wala nang classes and hindi nakakalabas.”




Photo credits: therealaramina | instagram

Dahil nga talagang napaka-cute at bibong bata si Mandy, maraming netizens ang naaliw sa video ng mag-ina habang gumagawa ng ice scramble.

“Yung video niya with me na kumakain kami ng Ice Scramble ang lakas no’n. Hehehe!” pagmamalaki pa niya. “Kasi super daldal niya do’n, natatalo pa niya ako sa dami nyang reactions sa video. Nakakaaliw sya do’n. Hahaha!”

Mapapanood rin sa video ang kahanga-hangang husay ni Mandy sa pagsasalita ng salitang English at bihira lamang itong marinig na magsalita ng Tagalog. Talaga nga namang may future si Mandy sa vlogging na sa murang edad ay may angking talento na sa pagbibigay saya sa mga manonood.

Photo credits: therealaramina | instagram

“You know what, first language na natutunan ni Mandy ay Filipino. Di siya marunong mag-English dati pero nung pumasok siya sa school ang galing na niya bigla mag-English at nagulat ako.
“Nagworry pa nga ako sa kanya noon dati kasi parang siya lang hindi masyado marunong mag-English noon sa school nila. Ngayon na no-nose bleed na ang beauty ko sa kanya. Hahaha! Nakakatuwa kasi parehas siyang marunong mag-Tagalog at mag-English,”

huling pahayag ni Ara.

error: Content is protected !!